Kitakits na lang, Serr!

bye1
Ilang tulog na lang at balik na sa pagiging ordinaryong mamamayan si Pres Benigno Aquino III.
 
Matagal na niyang pinakahihintay ito.
 
Sa totoo lang, ayaw naman niya talagang maging pangulo… pero alam n’yo naman ang “tadhana” – pag nakialam sa takbo ng buhay, siya ang nasusunod.
 
Atat na atat siguro si PNoy na mabalikan ang matagal na niya’ng nami-miss.
 
Andyan ang Astro-Vision sa Megamall, ang kaniyang paboritong tambayan pag naghahanap ng bagong video game o DVD.
bye2
 
Medyo bad trip lang na ngayong hindi na siya presidente: kailangang siya’y pumila na rin – hindi na niya maiiwasan ang patpat ng banana-Q inspection ng sikyu pag pasok sa mall.
 
Kailangang magpaikot-ikot na siya sa paghanap ng parking space sa mall.
bye3
 
Okay lang siguro ito pagka’t alam naman nating mahilig magpaharurot ng kotse si PNoy.
 
Libre na rin si PNoy na gumimik gabi-gabi at makinig sa mga banda. Problema lang, pag pinakanta siya sa stage… kailangang mag-ensayo ng bagong kanta pagka’t ang paborito niyang “Estudyante Blues” ay likha ni Ka Freddie Aguilar na ngayo’y maka-DU30 na.
kanta.jpg
 
May kantang akma sa kaniya lalo na ngayong maraming miyembro ng Partidong Liberal ay bumalimbing at nagtutungo sa partidio ni DU30. Ang awit ay “Saan Na Nga Bang Barkada?”, nilikha ni Jim Paredes, isang ka-dilaw.
 
At kailangang pag-aralan niya ang kanta na walang harmony o chu-chu-wah pagka’t ang mga dating sumisegunda sa kaniya sa pag-awit – si Ogie at si Noel – ay mahirap na hagilapin ngayong wala nang gig na maaasahan.
 
Kailangang tigilan mo na rin ang paninigarilyo. Pagbabawal yan sa maraming lugar ni President-elect Duterte – lalo na sa loob ng eroplano kung saang bawal na bawal ang masamang usok.
 
Konting suggestion, pre. Tutal may konting oras pa. Maglabas ka na ng executive order: wag mo nang ipagbawal ang paggamit ng wang-wang.
 
Ikaw rin ang mahihirapan pag naipit sa trapik. Sigurado namang may mga frienship na natitira si Gen Purisima sa PNP na pagbibigiyan ka at mag-aasign ng hagad escort para sa iyo.
 
At huling pabilin: maghanap ka na ng tunay na magmamahal sa iyo. Mamahalin ka hindi porket ikaw ay dating pangulo. Mamahalin ka hindi porket may kaunting kayamanan kang natabi. 
 
Ngunit mamahalin ka kahit… kapatid mo si Kris.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
 Hula who. Ang isang matagumpay na negosyante at ang isang nanalong kandidato ay may parehong-parehong tipo pagdating sa kanilang Prince Charming: kailangan ay matangkad, medyo mestisuhin, at hindi pa naka-usli ang tiyan.
tall
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Huling hirit. Hangang hanga kami sa artistang si Sunshine Dizon. Diumano ay nagloko ang mister niya at pumatol sa iba. Pero ang sobrang sakit na naramdaman niya sa pagtataksil ay hindi nilihim na lang… nilabas at binahagi ni Sunshine ang kaniyang hinanakit sa social media at may kasama bang pangako/banta sa mister “No Annulment”.
sunshine
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s