HSBC – Walang Respeto sa Seniors!

id

Ang bawat bangko ay dapat handang gawin ang lahat ng makakaya para matulungan ang kanilang mga kliyente.

Mukhang hindi ganito  sa bangkong HSBC.

Napakalungkot ng kuwento ng isang lumapit sa akin.

“Noong Miyerkoles, 2:30 pm, nagtungo ako sa HSBC sa Enterprise Center para magpa-encash ng tsekeng nagkakahalagang P40,000.

Bagama’t apat lang kaming customers at mahigit sa apat naman ang tellers, naghintay pa rin ako ng humigit kumulang 30 minuto.

Nung natawag na ang number ko, lumapit ako sa Counter 11.  Inabot ko ang tseke kasama ang dalawang government-issued IDs:  Senior Citizen white card and Senior Citizen blue card.

Agad agad akong hinanapan ng ibang government-issued ID kasi daw hindi valid ID ang Senior Citizen Card. Pambihira… tanggap sa ibang bangko… ngunit hindi rito?

Malabo na akong makauwi para kunin ang aking passport pagkat matrapik at siguradong hindi na ako aabot sa nalalabing banking hours.

Pinatawag ko ang bank manager pero sinabihan ako na kailangan ko muna kunin ang aking passport bago mapahintulutang kausapin ang manager.

Binigyan ko siya ng Company ID ko pero ito’y tinanggihan.

Tinanong ko siya kung may karatula na nagsasabi na hindi valid ID ang Senior Citizen card.  Nagkumahog humanap ng signage ngunit walang natagpuan.

Lumabas ang isang senior female employee.  Tinanong ko ulit kung  bakit ayaw tanggapin ang aking Senior Citizen card.

Ang malamig niyang tugon “It’s internal within the bank”.

Nung tinanong ko kung papaano malalaman ng customer na may ganitong policy, ang masungit na sagot niya “it’s a bank prerogative”.

Pinakiusapan ko sila na tawagan ang anak ko na siyang may-ari nung tseke.  Ayaw.  Kailangan daw may valid “government-issued ID”.

Tumawag ako sa Customer Service para magreklamo.  Hiningi ko pangalan ng Country Manager.  Pina-hold ako ng halos sampung minuto at paulit ulit sinabi sa akin na recorded ang aming conversation.

Binigay ang pangalan ni Mr. Wick Veloso at sinabi na kung gusto ko daw malaman ang email address niya kailangang mag log in daw ako sa website ng HSBC.  Anak ng jueteng… kausap ko na siya, alam niyang may reklamo ako… tapos kailangan ko pa hanapin ang email address ni Mr. Veloso sa website.

Nung hingin ko ang buong pangalan niya, sinabing ang pangalan niya ay Des pero bawal ibigay ang family name.

Nagpapa-encash ako kasi may commitment ako sa isang tao.

Nagbiyahe siya nang malayo pero hindi ako nakatupad.  Napahiya ako.  Salamat sa HSBC.”

Hoy, mga bastos… TATANDA RIN KAYO.

Advertisements

4 thoughts on “HSBC – Walang Respeto sa Seniors!”

  1. Hi Mr Garcia, I’ve forwarded your post to my friend at HSBC and he said he will make sure it reaches the right guys. Fyi.

    Best, Lia

    >

  2. Senior citizen is a govt issued id, if this will not honor that better go back to your country of orugin, punyetag mga tsekwa to ah, walang galang sa mga sr citizen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s