Kung Ako si Mar…

mar               (Photo from newsflash.org)

Mag-aalala ako na usad-pagong ang pag-angat ng mga numero ko kahit na walang binatbat ang nagastos na ng ibang kandidato kung ikukumpara sa pondong nakalaan sa akin.
 
Sisibakin ko agad ang ilang mga advisers ko na walang ginawa kundi udyukin ako na gumastos nang gumastos nang gumastos sa TV commercials (halos P1-milyon ang halaga ng bawat labas) at sa mamahaling talent fees ng mga artista (tsismis pa nga’y P50 million para sa isang artistang hindi marunong umarte). 
 
Habang kumakapal ang pitaka nitong mga hinayupak na “experts” (dala ng komisyon nila mula sa TV networks), panipis nang panipis naman ang kredibilidad ko sa dami na rin ng mensahe na dala ng napakaraming commercials. 
 
Para agad tumaas nang kahit man lang limang puntos ang numero ko sa mga survey, Ibabasura ko na ang lagi kong suot na dilaw na T-shirt at papalitan ng isang may mga kulay ng ating bandila. 
flag
(Graphics from Newsflash)
Senyales ito na, tulad ng karamihan sa ating mga kababayan, sawang sawa na rin ako sa anim na taon na color-coding sa ating bansa (dilaw = kaibigan, kakampi; hindi dilaw = hindi kaibigan, hindi kakampi… kakasuhan o papakulong).

Pati ang “L” hand sign (laban, hindi loser), hahayaan ko nang magpahinga.
Ibabasura ko na rin ang katagang “tuwid na daan” pagka’t ito ay nagsisilbi lang na paalala sa mga kapalpakan ng halos anim na taon tulad ng DAP, PDAF, MRT, LTO, Yolanda, tanim-bala, rice smuggling, Napoles, atbp. 
 
Papatigil ko na ang propaganda laban sa pamilyang Marcos pagka’t buking kung sino ang nagpapakana nito. Aaminin ko sa sarili na ang propagandang ito ay mas akma noong 2010 nang unang sabay-sabay na kumandidato si Imelda, Imee at Bongbong Marcos.
 
Kakalimutan ko na ang mga walang kuwentang balimbing (mga politiko at entertainers – pati kanilang mga kamag-anak) na nakinabang nang husto sa loob ng anim na taon at ngayo’y tumiwalag at sumama sa mga bagong mauuto.
laban
 
Aanyayahan ko ang mga pamilya ng SAF 44 Heroes sa isang munting salu-salo at ibabahagi ko ang lahat ng nalalaman ko sa nangyari sa Mamasapano.
 
Pagsasabihan ko ang ilang mga taga-showbiz tulad ni Kris Aquino at Boy Abunda na wala silang “k” na payuhan ang taong bayan kung ano ang tama o mali – pagkat sila ay may mga sariling interes at agenda.
 
Dadagdag ko na rin ang aking pasasalamat na ako ay hindi nila in-endorso.
 
Maglalaan ako ng mas maraming oras para ipamalas ang tunay na Mar na kilalala ng mga kaibigan ko – mapagbiro, corny ang mga jokes, walang ere, hindi marunong mang-isa ng tao, halos walang bisyo kundi yumugyog sa tugtugin ng mga banda tulad ng hotdog, 
 
PERO HINDI AKO SI MAR…
kaya bahala na si Batman.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s