Advertisements

Walang may gustong maka-tandem?

batman

Si Batman ay may Robin.
Si Tarzan ay may Jane.
Si Igan ay may Ali.

ali
Si Pepe ay may Pilar.
Si Guy ay may Pip.
Si Sonny ay may Cher.

aldub

Si Yaya Dub ay may Alden.

May 100 milyong Pilipino sa mundo pero ngayon lang yata nangyari na kay raming kandidato sa pagka-presidente o bise presidente
ang walang mabingwit na katambal.

Ang ilang napupusuan nilang maging katandem ay nagpapakipot… nagteteka-teka epek. (O, nagpapa-presyo kaya?)

Parang draft sa NBA tuloy ang nangyayari dahil sa laki ng mga biyayang pinapangako.

Ang ilang walang nagkakagustong gawing katambal… sumisiksik at nagpipipilit na mapansin… parang surot na sumisipsip ng dugo sa sinehang madilim.

bedbug

Ang mga tunay na karapat-dapat tumakbo ay umiiwas naman sa karnabal.

Ang politika sa bayan natin ay hindi isang teleserye. Ito’y mas maihahawig sa karera ng daga. Bara-bara – bahala na si Batman.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Ang isang eksperto sa dagdag bawas tuwing eleksyon ay “in-demand” na naman kaya nagpasya siyang postpone muna ang kaniyang “retirement”.
Ilang milyon marahil ang dahilan sa kaniyang desisyon. Malulunod na naman ang mama sa follow-up sa telepono. “Hello”.

hello

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Ma-tinik lang si Kris Aquino ay malaking balita na sa Dos. Magpacheck up lang si Marian sa doktor kasama si Dong, prime time news na sa Siete.
Pero noong isang araw nang libu-libong supporters ni Davao CIty Mayor Rodrigo Duterte ang dumagsa sa Luneta para suyuin ang alkalde na tumakbo sa pagka presidente, absent ang Dos at Siete.

duterte

Walang coverage. Akala ko ba walang kinikilingan at may malasakit?

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Dalawang bagay ang pinapakita ng Gilas Pilipinas sa kasalukuyang qualifying games ng FIBA para sa Olympics: una, kahit ang pinakamagaling na katunggali ay kayang talunin kung lalaban nang may matatag at buong puso. At pangalawa, hindi kailangan ng coach na maporma at may sariing fan club para magwagi.

coach

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Bulok na style ang bagong paraan ng pangongotong sa airport. Ito ang “tanim-bala” na umano’y bagong pakana ng ilang airpot inspectors. Magtatanim ng bala sa maleta habang ito’y dumadaan sa x-ray machine at sisitahin ang may-ari. Kung hindi makuha sa mabuting “cash-sunduan”, tatakutin ng kulong.

Sinong tanga ang basta basta na lang magpupuslit ng isang bala sa ating bansa? Halos walang halaga ito. Ang isang kahon na naglalaman ng mga 500 piraso ng bala ay $27 lamang sa Amerika.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: