Daang Tuwid naging Daan ng Naiihi

Laking kalbaryo ang pinagdaanan ng marami noong Martes nang biglang bumuhos ang ulan at maraming lugar ang agarang bumaha sa Metro Manila.
 
Walang anu-ano, nagkandabuhol-buhol ang trapik sa buong EDSA.
Naging mistulang parking lot ang pangunahang daan.
 
Uminit ang ulo ng madami.
 
Nagkasaby-sabay kasi: mga supladong taksi drayber na ayaw magsakay. Mga bus na punong-puno ng mga pasahero… siniksik parang mga sardinas. Mga traffic enforcers na ayaw mabasa ng ulan.
Natyempo pa sa labasan ng mga office workers na uwing-uwi na para sa hapunan.
 
Kakaunti lang ang nakauwi ng maaga: tumagal ang nakakabatong trapik ng apat na oras.
daan.001
 
Kinabukasan, naulanan ng mura ang mga opisyales sa gobyerno. Nagsisihan naman ang mga ahensyang nangangasiwa ng traffic sa lungsod.
 
Kaniya-kaniyang kuwento tungkol sa bangungot na naranasan.
 
Gaya nang inaasahan, bumaha ng suggestions kung papaanong hindi na muli mangyayari ang nangyari.
 
Giit nang marami ay bawasan na ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA. Hirit ng ilan – dagdagan ang mga bus. 
 
Maraming tumutulak sa carpooling. Tinutupad na ito sa Jakarta ngayon: sa ilang takdang oras, ang mga sasakyang may tatlo o higit pang pasahero lamang ang pinapayagang dumaan sa ilang pangunahing lansangan. Pero ito’y pinagkakaperahan naman ng maraming tao. Kung nasa sasakyan ka at dalawa lang kayo, maaari kang “umarkila” ng karagdagang pasahero – dose-dosena ang naghihintay sa kalye. Talaga naman – sa bawat problema, may pagkakataong gumawa ng pera.
called "car jockeys", you can hire "passengers" to  skirt the rule on "3-passengers-per-car" in jakarta
called “car jockeys”, you can hire “passengers” to skirt the rule on “3-passengers-per-car” in jakarta
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Ano ba talaga, kuya? Inanunsyo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi na siyang tatakbo bilang presidente sa halalan 2016. Matanda na raw siya at walang pondong malaki.
duterte
Maraming nagulat, maraming nalungkot.
Marami naman ang nagpayo – gimik lang yan at bibigay rin si mayor sa “hiling” ng taong bayan na tumakbo. Napanood na raw nila ang gimik na ito dahil ginawa na ni Duterte nang ilang beses sa Davao. Kaya ba patuloy siyang umiikot sa buong bansa?
Showbiz din pala.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Hula who. Sayang… maganda pa sana siya. Nang iniinterbyu niya ang isang opsiyales sa Metro Manila, nadulas ang ampaw na utak: “SIr, ung planned SUBWAY, eh above ground ho ba o below ground?”
May "K" siya
May “K” siya
 
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
 
Huling hirit. Kinalolokohan ngayon ng buong bansa ang kalyeserye ng Eat Bulaga. Pati si PNoy ay mukhang sumusubaybay rin sa AlDub episodes ng programa.
hanggang sa panaginip, lahat ay may alDUB
hanggang sa panaginip, lahat ay may alDUB
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s