Spoiled na Kulto?

Sari-saring batikos ang pinukol sa Iglesia ni Cristo nang magpasya ang ilang libong miyembro na mag rally noong Huwebes hanggang Linggo na nagdulot nang grabeng abala at trapik sa buong Metro Manila.
 
Katuwiran nila ay nakikialam daw ang pamahalaan sa kanilang relihiyon.
GMA News photo
GMA News photo
 
Ito’y pagkatapos maghain ang isang kasapi sa simbahan ng kasong illegal detention laban sa ilang mataas na opsiyales nito.
 
Opinyon ng marami ay ang itinuturing na pakikialam ng pamahalaan – na pinangungunahan ni DOJ Sec Leila de Lima – ay pagtupad lang ng tungkuling pag-aralan ang bawat kasong krimen na natatanggap nito.
 
Walang nanalo sa insidente sa EDSA.
 
Si Customs Commissioner Albert Lina lang ang masaya pagka’t nalimutan na ang kaniyang paghihigpit sa balikbayan boxes, pati ang kaniyang mga negosyong may kinalaman sa Customs.
INC rally : INQUIRER PHOTO/ REM ZAMORA
INC rally : INQUIRER PHOTO/ REM ZAMORA
Talo ang mga lansangan natin na nag-amoy ihi at natambakan ng basura.
 
Talo ang INC nang matuklasan na marami sa mga kasapi nito ay walang masagot na dahilan kung bakit nagra-rally.
 
Talo ang mga politikong umepal at sinibukang ipagtanggol ang rally na isinagawa ng INC.
 
Talo ang mga laos na politiko na sumawsaw sa okasyon.
 
Talo ang pamahalaan na nagpakita ng kahinaan sa pagpigil at pagwakas ng nakaabalang pagpupulong.
 
Talo tayo pagka’t ni isa sa ating mga inihalal ay nagpakita sa TV sa kainitan ng rally – buking na takot na pagalitin ang mga kampon ni Manalo.
 
Ang tanging magandang kinalabasan ng pag-aalburoto ng INC ay ang pangako ng marami sa sarili na hindi-hindi na muling hahayaan ang anumang samahan o grupo na magdulot ng gulo o lagim – dahil lang alam nila na sila ay hindi sisitahin ninoman.
 
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
 
Pansin ko… pansin nyo? Mukhang mas madaling manalo sa TV show na “The Voice” kung ikaw ay mahirap, gipit sa buhay, may dramang pinagdadaanan… o lahat nang nabanggit. Kung normal lang ang buhay mo at magaling umawit, mas mainam yata na wag na lang sumali… at matatalo ka lang.
 
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
 
Huling hirit. Ang ayusin ang trapik ay isa lang sa maraming tungkulin ni MMDA Chairman Francis Tolentino. Andyan din ang paglilinis ng mga estero, ang paghahanda ng mga mamamayan sa mga sakuna tulad ng lindol, ang paggawa ng mga paraan para iwas-baha, at marami pang iba. Ang problema: si Tolentino ang unang naiisip ng mga tao kapag sila’y naiipit sa trapik.
 
Galit ang mga tao pag hindi nakikita si Chairman sa lansangan. Galit din pag nakikita siya.
mmda
 
Mahirap na trabaho talaga.  
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Parating na ang… “UUWI”. Ang “follow-up” sa ating paboritong kantang MANILA – tapos ng 38 years.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s