Sinusuyo habang sinasaksak

Personal kong kaibigan ang halos lahat ng may intensyong tumakbo bilang pangulo.
Karamihan ay ka-text. Ang ilan ay matagal nang kliyente. Mayroon pang ka-jam sa musika.

Pero sa lahat, si Sen Grace Poe ang lubos kong kinakaawaan.

Papaano naman, ang daming mabibigat na grupo ang pumuporma sa kaniya – sinusuyo at nilulunod siya sa paghanga. At pangako.
Problema lang, ang karamihan sa kanila rin ang siyang nasa likod ng black propaganda para dungisan ang mabangong reputasyon ng senadora.

trust

Black propaganda na maaaring pumigil sa anumang intensyon niya sa 2016.

Tulad ng marami, dedma na lang ako.

Karma na lang ang bahala sa kanila.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hindi lang pala ang inyong lingkod ang may mga tanong hinggil sa diskarte ng Filscap, ang “tagapagbantay” ng mga awitin ng mga musikerong Pinoy laban sa paggamit nang walang pahintulot at kabayaran.

Maging ang bigating si “Boss Vic” del Rosario ay nagtataka kung papaano ginagastos at pinapamahagi ng Filscap ang milyun-milyong nakokolekta nito sa libu-libong restoran, hotel, mall, tindahan, TV at radio stations na nagpapatugtog ng musika.

cash

Marahil ay oras na para sa isang masusing imbestigasyon.

Alang-alang sa napakaraming musikerong Pinoy na… nagtatanong, nagtataka. Hindi naaambunan ng biyaya.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Tapos ng 38 taon, nasundan na. Ang awiting “Manila” ng Hotdog ay napamahal na sa halos lahat ng mga kababayan natin – lalo na sa mga nakatira o nagta-trabaho sa ibang bansa. Halos pangalawang pambansang awit na ang kanta dahil sa nakakatindig-balahibong titik at musika nito.

Sa wakas, susundan na ang “Manila”. At ang bagong awitin ay may pamagat na “Uuwi”.

uuwi

Na-scoop ko ang letra ng magandnag kantang ito para sa mga suki ng CHUBIBO:

(Maraming beses na kitang nilayasan…)

Sabi nila’y lason ang hangin mo
Sabi’y may topak sa binabalak ko
Mahoholdap lang daw ako… at magagancho
Ang bumalik ay pagsisisihan ko

Uuwi at uuwi ako sa iyo
Uuwi at uuwi, Pilipinas ko
Bago lumabo ang matang ito
Bago bumigay ang tuhod ko

Uuwi at uuwi ako sa iyo
Uuwi at uuwi, tunay na bayan ko
Muli kitang makikita
At hindi lang sa alaala
Uuwi at uuwi ako sa iyo
Uuwi at uuwi ako sa iyo

Natitiyak ko, oras na marinig ng mga kababayan natin abroad ang “Uuwi”… hindi malayong luha nila ay tutulo. Uwi na kasi!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Huling hirit. Nakikiramay kami sa pamilya ni Romulo Olazo, bantog na Pilipinong pintor. Siya ay pumanaw na noong Martes.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s