Advertisements

Sa SAF – Takot o Galit?

May malaking palaisipan ang nangyari ilang araw lang ang nakakalipas.
 
Nang ipagdiwang ng Philippine National Police ang Police Service Ceremony noong Agosto 8, ikinataka ng mga dumalo kung bakit biglang nawala ang pangalan ng dalawang SAF troopers na kasama sa mga paparangalan. 
 
Nagkataon kayang kabilang sila sa mga lumaban sa Mamasapano encounter?
 
Pinagdugtong-dugtong ang mga ispekulasyon: pagkat si Pangulong Benigno S. Aquino III ang guest of honor, nagpasya ang mga opisyales ng PNP na wag na lang isama ang pangalan ng dalawang SAF troopers sa programa. (Idinahilan na pinag-aaralan pa kung pasok sila sa criteria ng parangal.)
 
Alam ng marami na galit si PNoy sa kinaratnan ng SAF troopers sa Mamasapano (isang opersayon na sinasabing siya rin ang namahala kasama ang bespren na si Gen Alan Purisima).
 
Ang massacre ang dahilan kung bakit naudlot ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL), ang pinakaaasam-asam na proyekto ni PNoy.
 
Matatandaan na hindi binanggit ni minsan ang SAF troopers o ang Mamasapano sa kaniyang kakatapos lang na SONA.
mural
 
Para walang karagdagang kontrobersya, pinaalis din ang isang mural ng nasawing SAF troopers na obra maestra ng ilang bantog na pintor.
 
Tanong ng marami: si PNoy kaya ang nagpaalis sa mural pagka’t takot na dadalawin siya ng mga tagapagligtas na nasawi dahil hindi nabigyan ng sapat na suporta?
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kaliwa’t kanan na batikos. Ramdam mong popular si Sen Grace Poe sa dami ng batikos sa kaniya.

Talagang hinahanapan ng butas ng kaniyang mga katunggali para tapusin na ang anumang pangarap na maging pinuno ng bansa.

Kesyo lasengga raw at nananakit ng kasambahay.

Kesyo hindi sapat ang residency sa Pinas o bilang ng taon na muling naging Filipino citizen.

Asar na siguro ang tatay ni Grace. Kung makakapagpayo lamang si Da King, malamang ganito ang sasabihin niya…

 •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Huling hirit. Sa dami ng nababalitang maglalaban-laban sa puwestong vice president sa 2016, mukhang “anybody’s ballgame”. Bongbong Marcos vs Lenny Robredo vs Alan Cayetano vs Vilma Santos vs Sonny Belmonte vs JV Ejercito vs Antonio Trillanes.
Rakenrol to the world!

***********************************************************

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: