Busy sa kakahanap ng bise

grace
Sen Grace shows off a very apt Gang Badoy T-shirt
Ang mga tatakbo sa pagka-presidente sa 2016 ay abalang-abala sa pag-akit ng magiging katambal nila. 
margrace-poe
 
Patuloy na nililigawan ng Liberal Party ang popular na si Sen Grace Poe para maging katambal na bise-presidente ni DILG Sec Mar Roxas, kandidatong presidente ng partido. 
 
Ito’y kahit may patutsada si PNoy na ang kailangan ng bansa ay mga lider na “hinog na”.
 
Ito’y kahit may kumakalat na mga tsismis na may hawak na mga dokumento ang mga alipores ni PNoy na magbibigay ng bangungot kay Sen Grace. (Parang blackmail ata.)
 
Sabay ring sinusuyo ng LP sina Congresswoman Leni Robredo at Gov VIlma Santos. (Habang tinigilan na ang pakikipagusap kay Sen Alan Cayetano pagkat balitang hindi siya type ni PNoy.)

Ilang tulog na lang?

Si VP Jejomar Binay naman ay hindi na umaasang maaakit si Sen Grace at mukhang bising-busy na kinukumbinsi si Sen Bongbong Marcos o Sen JV Ejercito na maging ka-partner niya. (Walang katotohanan ang balita na kay Amay Bisaya mauuwi ang puwesto.)

Kampante naman si Sen Chiz Escudero na siya ang pipiliing katambal ni Sen Grace Poe kung ito’y magpasyang tumakbo bilang presidente.

Si Sen Antonio Trillanes na nagpahayag ng pagnanais na tumakbo bilang bise presidente ay tila walang pumansin.

 
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

 

Linggo ng Musikang Pinoy – Walang “K”.Dumating, dumaan, dinedma lang ang Linggo ng Musikang Pinoy noong isang linggo. 

 
Ang inaasahang pinakamahalagang linggo sa bawat musikero natin ay binalewala ng marami. 
 
Nauwi sa selebrasyon na walang “K” – katuturan.
 
Papaano naman, ang mga may pakana ng selebrasyon ay may kaniya-kaniyang agenda.
 
Sa mga TV network, ito’y naging pagkakataon para kargahan ang programa nila ng naggagandahang OPM hit songs para maawit ng kanilang contract artists – marami rito, walang talento sa pagkanta.
 
Sa mga organisasyon na umaaruga (kuno) sa mga musikerong Pinoy at sa kanilang mga obra maestra, ito ay naging pagkakataon para makadagdag pogi points sa gobyerno – at i-press release na sila ang dahilan kung bakit masigla ang industriya. 
 
(Siguro, paraan din para makaiwas-Senate hearing dahil sa mga reklamo ng musikero na milyun-milyon ang nakokolekta ng mga organisasyong ito pero walang paliwananag kung papaano ginagastos.)
 
Sa ilang mga makasariling lider ng mga samahang may kinalaman sa musikang Pilipino, naging tsansa para lalo pang sumipsip sa mga kakandidatong mga politiko. (Marami-raming raket kasi ang naghihintay sa darating na eleksyon.)
liderKuno
 
••••••••••••••••••••••••••••
 
Huling hirit. Mag-ingat sana ang mga gustong gipitin si Sen Grace Poe kung sakaling matuloy ang pagkakandidato niya bilang pangulo. Ang mga paratang kay Sen Grace ay ga-langgam kung ikukumpara sa dambuhlang mga kasalanan ng mga naninira sa kaniya. Walang patid na api… landslide ang babae. (Itaga nyo sa bato.)
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Tama na muna ang politika. Tawa muna.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s