Advertisements

Dagdadg Puntos ni Mar – Natatapyas?

Kawawang Mar. Habang umaarangkada ang mga numero niya sa surveys, ito naman ay natatapyas araw-araw dahil sa ilang mga katoto sa Liberal Party.

Ngayong linggo, nagkamit siya ng ilang puntos dahil sa mapayapang pagpatupad ng DILG sa suspension order kay Mayor Junjun Binay ng Makati.

Ito naman marahil ay agad naglaho nang umugong ang balita tungkol sa maintenance contract ng MRT na ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay ma-anomalya.

mar

Ang pinakamataas na opisyales na kakasuhan ng Office of the Ombudsman ay si Al Vitangcol, dating Gen Manager ng MRT. Maingay na nag-protesta si Vitangcol sa kaniyang pagkakadawit. Ayon sa kaniya, kung walang basbas – at pirma – ni DOTC Sec Emilio Abaya at Usec Jose Lotilla, ang kwestyonableng kontrata ay hindi matutuloy.

Si Abaya ang presidente ng Liberal Party at ang siyang pumalit ka Roxas sa DOTC. Si Lotilla naman ay isang opsiyales na malapit kay Sec. Mar.

Ano naman kaya ang susunod na sasabog?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Duterte – may planong ala-Gloria na diskarte? Kahit na nagbitiw na ng salita si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbong kandidato sa pagka-pangulo, marami pa ring eksperto ang nagtataasan ng kilay.

duterte

Pakiwari nila, magkaka-replay ung ginawa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nag-anunsyo na hanggang isang termino lang siya at hindi na tatakbo sa pagka-pangulo.

Nang parating na ang presidential elections, nagkaroon ng “clamor” na tumakbo for reelection si GMA… at alam na natin ang mga susunod na pangyayari.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Gurang na ang OPM.

Masakit mang pakinggan, parang napag-iwanan na ng panahon ang Original Pilipino Music (OPM).

rocker

Papaano naman, 40 anyos na ang katagang ito na siyang tumutukoy sa mga awiting gawa ng mga musikerong Pinoy.

Hindi nakakatulong na ang karamihan ng mga opisyales ng mga organisasyong nagsusulong ng OPM ay mga senior citizens na.

Tuloy, sa mga kabataan ngayon – ang katagang OPM ay Old Pinoy Music.

Kailangan ng bagong sigla ng mahal nating OPM.

Unang hakbang ay bigyan ang ating musika ng bagong ngalan na akma sa panahon ngayon.

Tulad sa marketing, kailangan ng OPM ng “rebranding”.

rebrand

Bagong pangalan. Bagong sigla. Bagong dugo. Bagong interes.

Isang halimbawa:

Tawaging nating TNT… may bangis, palaban at getch agad ng mga banyaga.

TNT para sa… Tunog Natin Today.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Isang malaking pasasalamat sa mga kaibigan ng mga Pilipinong musikero: mga bigating media celebrity na agad sumasaklolo sa mga musikerong naaagrabyado – kabilang sina Ali Sotto, Mike Enriquez, Arnold Clavio, Ellen Tordesillas, Boo Chanco, Edwin Sallan, Dolly Anne Carvajal, at marami pang iba.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Coming soon…

dalimit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: