Advertisements

Isang Taon Na Lang si PNoy

yellow

Patapos na ang termino ni Pres Benigno S Aquino at mukhang mas marami tayong maaalalang mga negatibong pangyayari kaysa positibong balita sa lumipas na panahong siya ay pangulo.

Mahirap na basta basta na lang ibaon sa kalimot ang Luneta hostage incident, ang Yolanda supertyphoon, ang kahihiyang dala ng mga international airports natin, ang kapalpakan ng MRT,
ang DAP at PDAF, si Janet Napoles at ang pork barrel scam, ang Zamboanga siege, ang walang patid na pagbu-bully ng China sa atin, ang pagbrabraso para maipasa ang BBL, ang Mamasapano massacre, at ang paglaganap ng krimen.

Totoo, naipakulong ni PNoy ang ilang bigating mga mambabatas na sangkot sa pork barrel scam. Pati si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay napanatiling nasa hospital arrest.

gloria_macapagal_arroyo_spine_surgery

Ang kwestyon lang ay… bakit puro kalaban ng administrasyon ang nasa loob ng selda?

Ang mga kaibigan ng Pangulo na may mga sabit – kabilang na ang ilang kalihim ng gabinete na pinagbubulong-bulungang may pakana ng anomalya – ay malaya at tuloy lang ang masayang mga buhay.

Sana’y maalala rin natin sa 2016 ang ating militar: ang ilang matataas na opisyales na kulang sa tapang. Pati na rin ang mga biniling mga baril na hindi pumuputok at mga helicopter na hindi lumilipad.

•••••••••••••••••••••••••••

Ang pinasang batas na same-sex marriage sa Amerika ay magdudulot ng malaking bangungot sa Immigration and Naturalization Service (INS) ng bansang iyon.

fiance

Dodoble o tri-triple pa ang iimbestigahang mga taong nais magka-green card na may nobyo/nobya na American citizen. Dadami ang iimbestigahan kung ang mga pina-planong kasal ay peke lamang at kung ang tanging layunin ay makatira at makapagtrabaho sa Amerika ang isang foreigner.

Itaga nyo sa bato.

••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Isang alkalde sa Metro Manila ay nagbababad sa isang casino sa may Manila Bay. Bawal ito – walang nagtatrabaho sa gobyerno ang pinapayagang pumasok at magsugal sa anumang casino.

slot

Wais si mayor at may diskarte: hinahayaan niya ang kaniyang mga alipores na siyang maglagay ng taya at pumindot ng slot machine.

••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Pinagmamalaki ng mga organisasyon na tulad ng Filscap at Organisasyon ng mga Pilipinong Mangaawit (OPM) na layunin nilang tulungan ang mga musikerong Pinoy. Pero mukhang puro “praise release” lang ang mga ito.

opm

Ilang magagaling na musikero natin ang sumakabilang-buhay kamakailan at ni korona o 3-in-1 kape ay walang inialay ang mga madatung na organisasyon. Meron din ilang musikero na ngayo’y may malulubhang karamdaman – at kailangang ng tulong financial. Pero dedma lang ang Filscap at OPM.

Panahon nang imbestigahan itong mga “mapagmalasakit” na samahan. Gising na, musikerong Pinoy!

••••••••••••••••••••••••••••

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: