Advertisements

Liberal Party – Gugulatin Tayo?

Posibleng kaya hindi pa makapagdeklara si DILG Sec Mar Roxas kung siya ay tatakbo o hindi sa pagka presidente ay may nilulutong golpe de gulat ang kaniyang partido.

lp Tatlo ang maaaring pinaghahandaang eksena – mula sa katamtamang nakakagulat hanggang sobrang nakakagitla:

Una, papayag si Sen Grace na maging ka-tandem ni Mar at tatakbo bilang bise-presidente nito. margrace-poe

Pangalawa, tototohanin ni PNoy ang banta niyang tumakbo muli sa darating na eleksyon – hindi sa puwestong Pangulo – pero bilang Vice President ni Sec Mar. marPi

Pangatlo, ang tandem na Roxas-Aquino ang babasbasan ng Liberal Party. Pero ang Aquino rito ay hindi si PNoy kundi… si Kris. kris

Sa dami ng bobotante sa bayan natin, walang imposible – anything is possible.

••••••••••••••••••••••••••••

Palpak na mga helicopter… may OK ng Defense Secretary?

gazmin

Ito ang giniit ni Rhodora Alvarez, isang tauhan ng Bureau of Internal Revenue, na tumulong sa pagbenta ng 21 segunda-manong combat helicopters sa Philippine Air Force sa halagang P1.2 billion.

Ayon kay Alvarez, tumulong siyang “ayusin” ang mga papeles at iba pang requirement para mapaboran ang joint venture ng Rice Aircraft Services, Inc (RASI) at Eagle Copters, Ltd. Dinagdag niya na si Secretary of National Defense Voltaire Gazmin ay diumano’y napangakuan ng 7% kickback – halos P84 million – habang si Defense Undersecretry for Finance Fernando Manalo naman ay pinangakuan ng diumano’y 5% ng halaga ng proyekto. Iniimbestigahan ngayon ang ma-anomalyang kontratang ito sa Senado.

Sa mga balitang ganito, lalong nagiging kaakit-akit at bumabango ang balak ni Ping Lacson na kumandidato bilang kalaban ng corruption.

••••••••••••••••••••••••••••••

Mag-focus sa isang isyu… at sa isang isyu lamang.

 

bbm

 

Mukhang wagi ang taktika ni Sen Bongbong Marcos. Inangkin niya ang mga kontrobersyal na butas ng Bangsamoro Basic Law (BBL) – pinosasan at hindi pinakawalan.

At imbes na puro dada lamang, naglibot sa Mindanao… pinakinggan ang sari-saring mga daing… at ngayo’y naghahanda ng mga solusyon para maging katanggap-tanggap ang ilalatag niyang panibagong panukala, hindi lamang sa MILF, nguni’t ganun din sa lahat ng nakatira sa Mindanao.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Kung “wa-is” kang politiko, dapat itutok ang anumang ipapangako sa direksyon ng tiyan ng mga mamboboto. Sa isang pag-aaral, lumalabas na halos kalahati ng mga mamboboto ay walang trabaho o naghihingalo ang kaparinggot na kinikita. Ang magpapatigil sa kulo ng tiyan — sa mga botante ay Number One.

jobless

•••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nagbabalak si Kris Aquino na tumira na sa Amerika sa isang taon. Ito na kaya ang “tulong” na ipinangako niyang bibigay sa presidente tapos ng termino nito? Ilalayo sa mga abugado at kaso si Kuya?

 

ins

 

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

Speaking of “Kuya”, here’s the future of Original Pilipino Music…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: