Advertisements

WALANG INTERES MAGING PRESIDENTE

Walang-walang interes si Davao Mayor Rodrigo Duterte na maging presidente. Mahilig lang siyang maglibot sa Visayas at Mindanao para itulak ang federalism na pinaniniwalaan niyang mas mahusay na anyo ng pamahalaan.

duterte

Walang-walang interes si Duterte maging presidente. Mahilig lang ang mga amigo niya na magbalik-tanaw at ipalabas muli ang mga TV commercial na diumano’y ginamit niya noong huling eleksyon.

Walang-walang interes si Duterte. Klaro lang sa isip niya na isang mainam na kandidato sa pagka Vice President si Vilma Santos. At dapat muling maging Defense Secretary si Gibo Teodoro. Maiging maging Finance Secretary naman si Sonny Dominguez habang Social Welfare Secretary si Leni Robredo.

Walang-walang interes. Nagkataon lang na lagi siyang may baong giveaways tulad ng stickers, ballers at babasahin tungkol sa talambuhay niya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Habang tinitira, lalong bumabango. Iba ang alindog ni Sen. Grace Poe.

grace

Habang naghahanap ang mga kalaban niya ng butas para malagyang-preno ang lumulobong popularidad niya, lalong namamangha kay Poe ang taong bayan.

Nang kwestyunin ang kaniyang kakulangan ng “residency” para maging kandidato, lalong kinaawaan si Senador Grace dahil naalala ng marami na siya ay isang “foundling” – isang sanggol na inabandon… basta na lang iniwan sa loob ng isang simbahan sa Jaro.

Si Sen Grace at si Moses ay parehong "foundlings"

Si Sen Grace at si Moses ay parehong “foundlings”

Kailan ba matututunan ng mga politiko na bawas-puntos tuwing sila’y nang-aapi o nang-kakaya ng isang babaeng kandidato?

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Popular na istasyon ng radyo. Numero 1 daw… kaya siguro dedma lang kahit ang bawat sampung minutong komentaryo ay sinusundan ng labinlimang minuto ng patalastas.

no1

Tadtad sa commercials: parang balakubak yan, mga tsong… tignan natin kung hindi malagas ang inyong milyun-milyong “fans” dahil sa pikon at inis.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Isa lang ang tanong ng marami nang pinapanood ang BBL hearing sa Senado: ano ba ang napaka-espesyal sa Bangsamoro para ito’y pagkalooban ng karapatang solohin ang lahat ng buwis na makokolekta? 100% na kanilang-kanila… habang patuloy na gagastusan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga sakop na lalawigan nito.

Dahil kaya sa mahahabang armas na parang asawa ng mga rebelde?

Dahil kaya sa mahahabang armas na parang asawa ng mga rebelde?

Sinusuwerte.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. May aliw na kuwento si Sen. Miriam Defensor Santiago:

Minsan may nanligaw sa akin at nagyabang, “Nasa dugo talaga namin ang pagiging guwapo.” Sumagot ako, “bakit nasa dugo lang, bakit hindi napunta ang pagiging guwapo sa mukha mo?”

Pagkatapos sinabi ko sa kanya, “Cup noodles ka ba? Gusto kasi kitang buhusan ng kumukulong tubig.”

•••••••••••••••••••••••••••••••

Pag-asa ng Original Pilipino Music?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: