Matinong Paghahanda sa Lindol

Nagaalala si MMDA Chairman Francis Tolentino sa pinsalang naghihintay kung ang Metro Manila ay tamaan ng isang 7 magnitude na lindol o higit pa.

MMDA Chairman Francis Tolentino before the Metro Manila Council meeting with President Benigno S. Aquino III held in President's Hall in Malacanang on October 30, 2013. (photo by Richard V. Vinas)

Sa kasamaang palad, walang paraan para malaman kung kailan magkakalindol sa anumang lugar.

Kamakailan, inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang masusing pag-aaral tungkol sa West Valley Fault Line.

fault

Dito’y inilista ang mga lugar na mapipinsala sa isang malakas na lindol – hagip halos ang buong Metro Manila.

Sabi ng Phivolcs na “hinog” na para lumindol sa West Valley Fault. Halos lahat ng fault lines ay gumagalaw at nagkaka-aktibidad tuwing 400 hanggang 600 taon at, sa kasalukuyan, 357 taon nang tahimik ang West Valley Fault.

Ayon kay Chairman Tolentino, ang MMDA ay magsasagawa ng demonstrasyon – gamit ang kanilang “mobile earthquake house” – para iparamdam kung gaano katindi ang isang 7.2 magnitude na lindol sa 72 barangay na nasa West Valley Fault o malapit dito.

Sasabayan ito ng mga payo kung papaano magiging handa at ligtas sa mga pahirap na dala ng isang malakas na lindol.

Watch and learn…

Dagdag ni Tolentino na mahalaga na ang bawat pamilya ay may nakahandang plano. Kabilang dito ang pagtabi ng mga mahahalagang supplies tulad ng tubig, mga gamot at first aid kit, flashlight, transistor radyo, batirya at mga de-lata.

Mahalaga ring alam ng bawat miyembro ng pamilya kung saang lugar tutungo kung sakaling magkahiwa-hiwalay sila.

Batay sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS), na isinagawa ng PHIVOLCS katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at ang MMDA, halos 33,500 tao ang maaaring masawi kung ang Metro Manila ay tamaan ng isang 7.2 magnitude na lindol.

••••••••••••••••••••••••••••••

Sino ang nagbigay ng “K” sa MILF para maging kinatawan/tinig ng maraming mga taga-Mindanao?

milf

Ito ang tanong ni Sen Bongbong Marcos nang lumibot siya sa Mindanao upang hustong pag-aralan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL). Napakaraming mga lider na Muslim, mga sultan, mga lumad at negosyanteng Kristyano ang nagreklamo na hindi sila kinunsulta ng pamahalaan sa plano nitong ipaubaya sa MILF ang pamamalakad ng malaking bahagi ng Mindanao.
•••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Itong si bigating mambabatas… maingay. Taga-Mindanao at tutol sa BBL. Kesyo sobrang labag daw ito sa Saligang Batas. Maraming humanga sa tapang niya.

fat

Pero, kamakailan… pinatawag ng isang mas mabigat pa sa kaniya. Naku, bumaliktad si Bigating Mambabatas. Ngayo’y BBL na siya – all the way. At kung di ma-karma, magiging senador dahil may malusog na pondo para ipamudmod sa mga bobotante.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s