Advertisements

Engot na Heneral – kawawa ang bansa

Nabanggit na naman sa hearing ng Kongreso ang kuwento tungkol sa mga foreigner na nasa loob ng command center sa init ng bakbakan sa Mamasapano.

Nangigigil na inutusan ng isa sa kanila ang isang heneral ng AFP na gamitan na ng artillery ang mga kalaban ng SAF troopers.

boss

Macho si heneral kaya ang sinagot niya’y: ako lang ang makapagbibigay ng anumang order… ako ang masusunod dito.

Nang tanungin si heneral sa Mamasapano hearing kung sino ang foreigner na iyon… sagot niya’y “hindi ko alam”.

Nang tanungin kung ano ang nasyonalidad ng foreigner… ganoon pa rin ang sinagot.

Papaano kaya tumaas ang ranggo ng kawawang nilalang na ito? May mga kasama siyang foreigner sa loob ng sobrang restricted na lugar… habang nagmamando sa napakaselang operasyon… pero hindi man lang inalam ang ngalan ng mga bisita, kung saang lupalop sila nanggaling, at kung ano ang papel nila.

•••••••••••••••••••••

Walang kiber si MILF chief negotiator Mohagher Iqbal nang tinanong ng mga mambabatas ang tunay niyang pangalan.

Ayon sa kaniya, alang-alang sa kaniyang seguridad, tinatago niya ang kaniyang legal na pangalan.

iqbal.001

Ang Iqbal ay palayaw-pangdigmaan at ang pamahalaan lamang ang nakakaalam ng kaniyang tunay na pangalan.

“Natural lang ibahin ko pagkat ako’y bahagi ng isang revolutionary organization”, ayon kay Iqbal.

Dagdag pa niya na kahit ang ilang bayani ay may ibang pangalan tulad ng “Plaridel” para kay Marcelo del Pilar at “Siling Labuyo” para kay Jose Rizal.

Medyo matapang ang apog ni Mister(yoso) Iqbal… hinanay pa ang sarili sa mga bigating bayani.

Sabi nga nga bunso kong anak, “sobrang feeling siya”.

Feeling Don Pepot?

•••••••••••••••••••••••

Kamakailan, sa isang talumpati sa PNPA, binatikos ni Pangulo Benigno Aquino ang mga ulat ng Senado at ng PNP Board of Inquiry hinggil sa Mamasapano massacre.

“Sang-ayon ako sa conclusion ng dalawang ulat na mali ang koordinasyon, pero imbes na magtanong sa akin… bakit ba sila naglagay ng ilang ispekulasyon – mga hula imbes na facts”, ang hinanakit ng pangulo.

kasalanan

Nang marinig ito ng ilang mambabatas, naghanda sila ng 20 tanong para sagutin ni PNoy.

Mabilis na kumambyo ang Malacanang at humirit na nasagot na lahat ng tanong.

Mayroon pang isang sobrang sipsip na opisyal na nagpresintang siya na lang ang sasagot sa 20 katanungan.

Pre, ayos na ang budget mo sa kampanya. Wink wink.

••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Darating si Stevie Wonder sa isang casino dito sa April 25. Ang malungkot… by invitation only.

SIKRETO NG HALALAN 2016

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: