Advertisements

Peace Negotiators – Sobrang Galante

Kung hindi pa nangyari ang Mamasapano Massacre, hindi siguro tayo magkaka-interes na busisiin ang mga nilalaman ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Pero ayan… natuklasan na ng marami na sobrang galante ng mga kinatawan ng Pilipinas sa peace panel kung ikukumpara sa mga tigasing katapat nila sa Moro Islamist Liberation Front (MILF).

sucker.001

Pati ang ilang hinihingi ng grupong rebelde na klarong labag sa Constitution ay pinangakong tutuparin ng ating peace panel.

Kabilang dito:

  1. Pagkakaroon ng sariling police force ang Bangsamoro sa pangangasiwa ng Chief Minister. Halos mawawalan na nang papel ang AFP sa paglaban sa mga nagwawasik ng gulo at kriminalidad at babawasan nang husto ang kanilang puwersa sa Bangsamoro.
  2. Ang paghingi ng pahintulot ng lahat ng gustong bumaybay sa mga dagat at ilog sa teritoryong Bangsamoro
  3. Ang pag garantiya ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga pondong uutangin ng Bangsamoro

At marami pang iba na hindi dapat nating hayaang makalusot.

••••••••••••••••••••••••••••••

Tatlong dahilan para mag-sorry. Nagbigay si Sen Sergio Osmena III ng tatlong dahilan kung bakit kailangang mag-sorry si Pres. Benigno Aquino hinggil sa Mamasapano Massacre

  1. Pagka’t pinayagan niya na ang operasyon ay pangunahan ng suspindidong PNP Chief Alan Purisima
  2. Pagka’t ang mga utos niya ay hindi pinadaan sa PNP chain of command
  3. Pagka’t hindi niya pinaalam ang operasyon kay DILG Sec. Mar Roxas at PNP OIC Gen. Leonardo Espina  

tape

Usapang ari. Sa mga lalaki, ano ang pangkaraniwang laki ng “ari”?

May bagong pag-aaral na maaaring ikatuwa ng maraming kalalakihan.

Ayon sa pag-aaral, ang pangkaraniwang size ng ari ng lalaki sa buong mundo pag “galit” ay 5.16 inches.

Napakaliit ng por siyento ng mga kalalakihang may sobrang liit na ari – 2.28%.  Pareho rin naman ang por siyento ng mga may sobrang laking ari.

Ang pangkaraniwang size ng Pinoy ay 4.27 inches, habang 3.08 inches naman ang Kano.

Ang mga pinakalaking mga ari ay matatagpuan sa Democratic Republic of the Congo – 7.1 inches, habang ang  North Korea ay kumukulelat sa average size na 3.8 inches.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Pakiusap ni PNoy sa mga senador at congressman: “fastbreak” nyo at aprubahan na ang Bangsamoro Basic Law. Kung puwede daw sa June para ito’y matampok sa kaniyang huling State of the Nation speech.

noyNakapagtataka. Iba talaga ang mga prayoridad ng presidenteng ito.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

grasa

Tanong:  Ano ang tawag sa anak ng taong grasa?

Sagot:    Baby Oil

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: