Wow, Mali! Pipigilan ang Mamasapano Hearings?

Nangangamba yata ang Malacanang na lalong titindi ang galit ng taong bayan sa marami pang katotohanan (at kasinungalingan) na lumalabas sa Mamasapano hearings.

Habang pinipigil ang katotohanan, lalong nanggigigil ang buong bayan
Habang pinipigil ang katotohanan, lalong nanggigigil ang buong bayan

Kaya, ayan, mukhang pinakiusapan ang kakamping mga Senador at Congressman na ihinto na ang mga pagdinig.

Binigay na dahilan ni majority floor leader Cong. Neptali Gonzales ay pagka’t ang gulo-gulo ng kakatapos lang na unang hearing at nakakahiya ang nangyaring “circus”.

Dagdag pa niya, “mas mainam sigurong hintayin na lang natin ang findings ng Board of Inquiry”.

balimbing.001

Sa pagpigil ng katotohanan, lalong manggigigil ang mga mamamayan na ito’y matuklasan.

Advice lang po, serr.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Drug pushers isinumbong ni Tulfo. Napansin ng kolumnistang si Mon Tulfo na umuwing sobrang mapungay at halos nakapikit na ang mga mata ng kaniyang anak isang gabi.

May isusumbong si Tulfo!
May isusumbong si Tulfo!

Nang kaniyang hinarap, sabi ng bata na siya ay naka-Valium.

Natagpuan din ng ama ang pakete ng marijuana sa kuwarto ng anak.

Umamin ang bata na maraming drug pusher sa eskuwelahang pinapasukan niya – College of St. Benilde.

Nalaman ni Tulfo na mga anak-mayaman ang nagtutulak at ang mga ito’y tumatambay sa tatlong coffeeshops na malapait sa paaralan – Beach, Barn at Plato.

Gustong harapin ni Tulfo ang mga opisyales ng St. Benilde kaya sinugod ngunit hindi nagpakita ang mga ito.

Nagtago kaya? O baka naghihintay lang na sila’y saklolohin ni Claudine?

•••••••••••••••••••••••••••••••••

“Titigilan na natin ang pagpapadala ng kasambahay na Indonesian sa ibang bansa.”

Indonesian maids in Kuala Lumpur
Indonesian maids in Kuala Lumpur

Ito ang pangakong binitawan ni Joko Widodo, ang bagong Pangulo ng Indonesia.

Inatasan niya ang kaniyang Manpower Minister na bigyang katuparan ang pangakong ito sa loob ng limang taon.

Pakiwari niya ay panahon na para ibalik ang dignidad ng mga kababaihang Indonesian na nagsisilbi na kasambahay – higit sa dalawang milyon ang bilang at karamihan ay nagtatrabaho sa Malaysia.

Mangyari rin kayo ito sa Pilipinas?

Ano ka… hilo?

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Kumakalat ang balita na may mga grupong nagpa-planong tanggalin si Pangulong Benigno S. Aquino sa puwesto sa pamamagitan ng isang coup d’etat. Nababanggit na kasama sa grupo ang isang dating mataas na opisyales ng bansa.

Puro meeting na lang?
Puro meeting na lang?

Ito’y kaniyang itinanggi at sinabi, ““Namatay na nga yung 44 SAF policemen, gusto pa nilang patayin ang Mamasapano issue. Gusto lang iyang pagtakpan ang Mamasapano issue sa pagdadawit ng pangalan ko sa coup.”

Maayos naman ang sagot, di ba… bayan?

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling Hirit. Matamlay ngayon ang Original Pilipino Music. Pakiwari ko, ang dahilan ay pagka’t ang mga “lider” ng mga organisasyong nangangasiwa sa musikong Pinoy ay abalang-abalang nag-iisip kung papaano palaguin ang kanilang pondo – samantalang ang dapat pag-abalahan ay kung papaano bibigyan ng inspirasyon at tulong ang bagong henerasyon ng musikerong Pinoy.

wakeup

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s