Simpleng pamumuhay – tatak Pope Francis

yolanda

Mula nang siya’y naging Santo Papa, sinubaybayan at nasaksihan ng mundo ang simpleng pamumuhay ni Pope Francis.

Imbes na tumira sa engrandeng palasyo, mas pinili niyang manirahan sa isang apartment.

Imbes na magara at napakamahal na limousine ang sasakyan, mas pinili niyang gumamit ng hamak na kotse – isang Ford Focus.

Ang mga gintong alahas na sadyang bahagi ng kasuotan ng isang santo papa, tinanggihan niyang gamitin.

Pag dating niya sa Pilipinas noong isang linggo, bitbit niya ang sariling bag – walang mga alalay na umaaligid para tumulong.

Ang simpleng pagkatao ni Pope Francis ay ibang-iba sa magarbong pamumuhay ng ilang opisyales natin.

At malayung-malayo sa pamumuhay ng ilang mga superstar sa mundo ng entertainment.

Nariyan si Jennifer Lopez na kakaiba ang mga pangangailangan sa bawat concert: kailangang puting-puti ang kaniyang dressing room – pati na ang lahat ng mga bagay dito (sahig, bulaklak, kandila, atbp).

jennifer

Sa private jet lang siya papayag sumakay. At kailangang kasama palagi sa bawat concert ang mga tauhan niyang bumibilang ng 75 na katao – kabilang ang taga-ayos ng kaniyang pilik-mata.

Si Madonna, iba naman. Kailangang brand new lagi ang toilet bowl sa kaniyang dressing room.

madonna

At bawal ang aircon sa lahat na lugar na dadaanan niya… maging sa pagtatanghalan ng concert. Kung mahihimatay ang ilang fans dahil sa init, bahala kayo sa buhay nyo.

Kaya hindi katakataka na napamahal na si Pope Francis sa milyun-milyong Pilipino.

Walang ere. Walang luho. Taong-tao. Dapat tularan.

••••••••••••••••••••••

bagMayroon akong ilang haka-haka kung bakit si Pope Francis ang nagbibitbit ng sariling bag. Eto ang ilan:

1.   Akala niya na normal lang ito

2.   Ipinanganak siyang mahirap kaya nasanay nang walang kasambahay na gagawin ang lahat ng kaniyang iutos

3.   Dati siyang bouncer sa nightclub at na mi-miss niya ang pagbubuhat ng weights

4.  Mayroon siyang dalang komiks para malibang tapos ng mga mahahabang mga miting

5.   Inililihim niya ang mga kantang nasa kaniyang iPod

6.   Hindi siya nahawaan ng masamang ugali ng mga Pinoy na tuwing may lakad ay may alalay na may alalay na may alalay

7.   Napanood niya ang mala-palos na istilo ng salisi gang sa youtube

•••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nagwagi si bigote, supalpal si tanda. Binasura ng Supreme Court ang petisyong tanggalin si Erap bilang alkalde ng Maynila. May return bout kaya sa 2016? Estrada vs Lim?

lim

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s