Pacman No. 1 – Sa Laging Absent!

Ang Pambansang Kamao at Congressman ng Sarangani na si Manny Pacquiao ay kinilalang Numero Uno sa Kongreso – Numero Uno sa pinakamaraming absences.

(LA Times photo)
(LA Times photo)

Noong isang taon, apat na beses lang sumipot si Pacman sa Kongreso para gampanan ang kaniyang tungkulin.

Syempre kung may No. 1, mayroong No. 2 din.

Puwesto ito ni Congressman Julio Ledesma IV ng Negros Occidental na namataan sa loob ng Kongreso nang pitong beses.

Nakapagtataka talaga. Ang mga politiko natin ay nagpapakamatay at gumagastos ng limpak-limpak para mahalal sa puwesto.

Problema – pag nanalo na, para namang walang kainteres-interes sa bagong trabaho nila.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Mahirap hindi humanga kay Isko Moreno, ang bise alkalde ng Maynila.

isko

Dating nagtutulak ng kariton, siya’y pursigido kaya nakapag-aral at nakapagtapos.

At matagumpay na naglilingkod sa lungsod ng Maynila ngayon.

Bilang dating magbobote’t dyaryo, maraming mapupulot na aral sa mala-patinterong buhay ni Isko.

Eto ang ilan:

– Alam ba nyo kung bakit tulog ang maraming mahihirap pag tanghali?

Ito’y para malimutan ang kanilang gutom… at para na rin hapunan na lang ang kanilang po-problemahin.

– Kahit ang mga may hamak na hanapbuhay, may patakarang sinusunod. May kaniya-kaniyang teritoryo ang mga magbobote’t dyaryo.

Pag pasukin mo ang hindi mo teritoryo, yari ka.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Ibang klase talaga si Pope Francis.

Simpleng tao at ayaw ng magarbong mga bagay na nakaugalian na ng ibang mga santo papa.

francis

Imbes na sa palasyo manirahin, piniling tumira ni Pope Francis sa isang apartment.

Imbes na bongga’t mamahaling sasakyan, ang kotseng ginagamit ni Pope Francis ay isang Ford Focus.

Ayaw niya ng kung anu-anong gintong alahas na nakasabit sa katawan.

Tinanggal niya ang isang cardinal na parang milyonaryo mamuhay. At ang mansyon ng cardinal na nagkakahalagang

$40-milyon ay iniutos ni Pope na gawing soup kitchen para sa mahihirap.

Hindi matutuwa si Pope Francis
Hindi matutuwa si Pope Francis

Kung gagayahin lang ng mga pari natin ang simpleng pamumuhay at banal na pagkatao ni Pope Francis, marami sa mga tumiwalag sa Simbahan ang magbabalikan.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Umuugong ang balita na matatanggal sa puwesto ang isang sikat na sikat na politiko ngayong buwan. Lampas-langit ang ngiti ng atat na atat na papalit sa kaniya.

hula

Pero may banta ang sikat na sikat na politko: naisahan na ako minsan, hindi uubra na maisahan muli ako. Parang linya sa pelikula, di ba?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Mahirap ang bayan natin pero hindi ito ramdam sa mga gimik ng umuusbong na mga casino sa ating paligid.

Tulad ng TV ad ng isang bagong casino na pag-aari ng pinakamayamang pamilya sa bansa: ang mga gumanap sa komersyal ay ang pinakasikat/pinakamahal na VIPs sa Hollywood.

dreams

Milyones malamang ang binayad na talent fees – at dolyar, hindi pesos. Maaaring may diskwento pagka’t ang isa sa mga artista ay may-ari ng hotel at restoran na itatayo sa loob ng casino.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s