Advertisements

Tiklop ang US sa North Korea?

Na-hack ang mga computer ng Sony Pictures at ang unang pinag-suspetsahang may pakana ay ang North Korea. 
North Korean leader Kim Jong Un attends the Supreme People's Assembly in Pyongyang
 
Papaano ba naman, may ilalabas na pelikula ang Sony na pinamagatang “The Interview” tungkol sa katatawang planong patayin ang lider ng komunistang bansa habang siya’y iniinterbyu ng isang tangyag na Amerikanong talk show host.
 
Comedy nga ang pelikula pero hindi natuwa ang lider ng North Korea na si Kim Jong-un.
 
Naglabas ng press release nang kailwa’t kanan ang mga alipores ni Kim na masaklap pa sa 9/11 New York bombings ang sasapitin ng mga Kano kung itutuloy na ipalabas ang pelikula.
 
Inatake ng nerbyos ang karamihan ng mga sinehan at distributors sa Amerika at umatras sa pagpapalabas ng “The Interview” noong Dec. 25.
 
Marami namang nagalit sa takot na ipinakita.
 
Kaya nagpasya ang Sonly na ituloy ang pagpalabas ng pelikula pero sa bilang na sinehan at sa internet na lang – sa mga website tulad ng YouTube.
 
Isa sa kaaliw-aliw na bahagi ng pelikula ay nang tanungin si Kim kung siya ay hindi dumudumi o umiihi tulad ng turo sa 25 milyong Koreyanong sumasampalataya sa kaniyang parang isang Diyos. 
 
Pero totoong sobrang sindak ang mga North Korean sa mga utos at aral ni Kim.
 
Alam ba n’yo na kayo ay mapaparusahan kung titiklupin nyo ang dyaryong may litrato ni Kim? Bawal na bawal.
 
Problema lang, bawa’t pahina ng dyaryo sa bansa ay may litrato ng “Supreme Leader”.
 
Papaano na ire?
 
•••••••••••••••••••••
 
Nabato si Drilon sa trapik. Inabot si Senate President Franklin Drilon ng 11 1/2 hours para marating ang Baguio mula sa Maynila.
 
Mapapamura kahit sino sa haba ng trapik.
Hindi natuwas ang bigating VIP

Hindi natuwa ang bigating VIP

 
Sa isang banda, maganda na mayroong bigating tao ang nakaranas ng kalbaryo nating mga ordinaryong tao. (Dapat masubukan din ni PNoy at ng mga pinuno ng DOTC.)
 
Sa kabilang dako, mabuti ito para maibestigahan na ang kaguluhan na dulot ng situasyong may iba’t ibang namamahala sa ating mga tollways.
 
Kawawang Drilon – malamang nagmantika ang mukha sa init at inis.
 
•••••••••••••••••••••••
 
Aminado ang mga prodyuser ng “Bonifacio Ang Unang Pangulo” na siyang nanalo bilang Best Movie sa MIFF na hindi na nila mababawi ang kanilang milyum-milyong puhunan.
Ang tinangkilik pa rin ay mga pelikulang pagod na pagod na ang tema at may mga punchline na kailangang ilibing na

Ang tinangkilik pa rin ay mga pelikulang pagod na pagod na ang tema at may mga punchline na kailangang ilibing na

 
Masaya naman sila na maraming parangal ang napanalunan ng obra at may ilang layunin ang natupad.
 
Kabilang dito, ang pagbalik ng tunay na layunin ng MIFF na magpalabas ng mga pelikulang dekalidad, na nananalamin sa mga magandang katangian ng Pilipino, at hindi basta basta malilimutan tapos ng isa o dalawang buwan.
 
Samantala, sa kabilang dako, tumabo sa takilya ang mga pelikulang pagod na pagod na ang tema at may mga punchlines na dapat na ilibing.
 
Hanggang pera pera na lang ba itong film festival na ito?
 
Para nyo nang awa.
 
•••••••••••••••••••••••••••
 
Isang maligayang 2015 sa lahat ng aming taga subaybay at pagpalain sana kayo at ang inyong pamilya sa bagong taon.
Happy-New-Year-2015-Best-Wishes-Images
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: