Hindi Na Bawal Bumati

Maligayang balita mula sa Manila International Airport Authority: ang mga employado ng ating mga international airport ay hindi na pagbabawalan batiin ng “Merry Christmas” ang mga pasahero.

DCIM100HPDVC

Ang pagbati ay pinagbawal ng maraming taon para iwasan ang impresyon na humihingi ng Pamasko ang mga tauhan ng airport.

Wag lang sanang dagdagan ang bati ng… “ang babait ninyo”.

•••••••••

Pandacan Oil Depots – Layas Na! Iniutos ng Supreme Court na tanggalin at ilipat na ng mga petroleum company ang kanilang oil depots sa Pandacan.

depot

Halos isang dekada nang may utos ang paglipat, pero ito ay naudlot dahil sa isang katakatakang ordinansa ng lungsod na nagpapabor na manatili ang mga oil depot sa Pandacan.

Ipinaalala ng Supreme Court na ang mga oil depot ay malaking panganib sa kalusugan at seguridad ng mga naninirahan sa paligid nito.

•••••••••

Napuno na ang UN? May kumakalat na balita na nagbanta ang United Nations na tatanggalin ang Pilipinas bilang miyembro ng samahan kung hindi nito matitigil ang talamak na corruption sa bansa.

Umano’y ikinondena ng UN ang bilyun-bilyong pondo na napupunta lamang sa bulsa ng mga opisyales imbes na mapunta sa mga proyekto para sa kapakanan ng mga mamamayan.

•••••••••

Dalawa na lang. Dalawang dahilan na lang ang natitira para hindi matuloy ang pinaka-aabangang laban ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather. Sa tantsa ng mga eksperto, lolobo nang hanggang $200-M ang pwedeng kitahin ng laban.

pacman

Hindi matutuloy kung, 1) igigiit ni Mayweather na kapiraganggot lang dapat ang kitahin ni Pacquiao, 2) mabubunyag na nangangatog sa takot si Mayweather  na matuloy ang laban.

•••••••••

Dapat donselya, kundi laglag sa polisya. Galit ang buong mundo sa ‘virginity test’ na mahigpit na tinutupad para sa lahat ng mga babaeng ibig maging pulis sa Indonesia.

Ang patakarang ito raw ay nakakabawas-dignidad at walang kinalaman sa trabahong gagampanan.

indon

Pati ang paraan ng pagsusuri ay kwestyunable: isasaksak lang ang dalawang dailiri sa ari ng kumukuha ng test.

•••••••••

Huling hirit. May bago at kakaibang inumin na magtatangkang angkinin ang bahagi ng isang milyong bote ng Emperador brandy na nabebenta kada araw.

Sa napakaraming ‘taste test’, tinalo ng bagong inumin ang Emperador brandy – naakit pati ang maraming mga loyalista ng Numero 1 inumin ng bayan,

white

At ang kakaibang inumin ay ilang pisong mas mura sa Empi. Ang sayang labanan ito.

Advertisements

2 thoughts on “Hindi Na Bawal Bumati”

  1. May nagmungkahi sa publiko dito sa Jakarta na upang hindi mapag-isipan na nakatutuk lang sa mga kababaihan ang “virginity test”, dapat ang mga kalalakihan din ay sumailalim ng angkop na pagsubok.

    Pero yung mga daliri ay sa salumpuwet ng kalalakihan ilalagay.

    Aray!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s