Pulis na rapist – nakakahiya!

Nakakaalarma ang balita tungkol sa isang modelo sa night club na umano’y pinilit makipagtalik ng isang mataas na opisyales ng Southern Police District ng Philippine National Police (PNP).

Nangyari ito ilang araw pa lang ang nakakalipas: ni-raid ng pulis ang Club Universe sa hinalang walang work permit ang mga nagta-trabaho roon.

Hinakot lahat sa presinto.

Nang nasa presinto na, mukhang nakursunadahan ng boss chief ng presinto ang isang babaeng modelo sa night club.

Tinext niya at inalok ang babae na maging kaniyang girl friend.

At kung hindi pumayag?

Kakasuhan siya tulad ng ibang mga kasamahan.

Nang hindi pumayag ang modelo, pinapasok sa opisina ng “nanliligaw”. Tapos nang ilang oras, pinilit di umano ng pulis na makipagsex ang babae.

Kung ayaw sa amoy lupa, wag pilitin
Kung ayaw sa amoy lupa, wag pilitin

Nilapag pa ang kaniyang baril para lalo pang masindak ang modelo.

Nakakahiya ka, boss chief. Kung hindi ka kursunada, mag move on ka na lang.

Baka ayaw sa amoy lupa.

Ang kaligayahang pinilit… walang kuwenta.

Tulad mo.

••••••••••••••••••••••••••

Humahakot ang mga “indie” film natin ng kaliwa’t kanang parangal sa iba’t ibang festival sa mundo.

"Shift" - best film sa Osaka International Film Festival... gawang Pinoy
“Shift” – best film sa Osaka International Film Festival… gawang Pinoy

Walang binatbat ang ating mga regular movies na napako na sa istilong bulok… hindi na umigi ang kalidad.

Parang sadyang pang-bobo ang karamihan. Pera pera lang kasi.

Sa trailer pa lang, huli mo na ang buong istorya.

Kaya mabuti siguro, ang ngalan ng annual Metro Manila Film Festival ay palitan na lang. Tawagin na lang Retro Manila Film Festival – dating gawi kasi taun-taon: istoryang gasgas, script na pagod na pagod, at ending na mahuhulaan ng kahit na pinakabobong tao sa balat ng lupa.

••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Napakalungkot ng kalagayan nating mga Pinoy. Sa darating na eleksyon sa 2016, inaasahan tayong pumili sa dalawang klaseng kandidato lamang: 1) mahina mamahala – medyo bobo – pero hindi corrupt, o 2) magaling mamahala – medyo matalino – pero corrupt.

Wala na bang iba?
Wala na bang iba?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kool lang. Kapartido kasi? Sinampahan ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman si Senate President Franklin Drilon noong Miyerkoles hinggil sa proyekto niyang Iloilo Convention Center na umano’y overpriced sa halaga nitong P679.8-million.

frankin-drilon

Kasama sa kinasuhan ang Hillmarc Construction Corporation, ang contractor ng convention center na siya ring contractor sa kontrobersyal na Makati Parking Building.

••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Sa mga international restaurant chain sa mundo na hindi kilala sa Amerika, hinangaan at piniling No. 1 ang Jollibee.

joll

At sa isang bagong survey naman, hindi na No. 1 ang NAIA I bilang pinaka walang kuwentang airport sa mundo – No. 4 na lang.

 

amadeo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s