Advertisements

Burol ng di kakilala – pass ako

Nang tanungin siya kung dadalo sa burol ni Jennifer Laude, ang transgender na napatay sa Olongapo, sagot ni PNoy ay “hindi ako dumadalo sa burol ng mga hindi ko kakilala – hindi ako komportable”.

(Photo - Philippine Daily Inquirer)

(Photo – Philippine Daily Inquirer)

Para sa isang “ama ng bayan”, medyo asiwa ang sagot na ito at ikinagalit ng marami.

Madali namang sabihin na lang, “Hahanap po ako ng puwang sa aking siksik na schedule. Pag hindi makadalo, sisiguraduhin kong ipagdasal ang kaniyang kaluluwa.”

Sa isang aral Ateneo, napakahirap bang bigkasin yon?

••••••••••••••••••••

Isang linggong inakala na siya ay na-kidnap o pinatay. Pero biglang lumutang noong Miyerkoles si Josie Tallado, asawa ng Gobernador ng Camarines Norte na si Edgardo Tallado.

Lumalabas na tumakas si Josie sa kanilang tahanan sa takot na sasaktan ng asawa.

May nag-post kasi sa internet ng litrato ng hubo’t hubad na babae na umano’y kulasisi ni Gob. Si misis ang napagbintangan.

Someone taking a selfie

Ayon sa naungkat pang detalye hinggil sa insidente, meron pa raw sex video na napakawalan sa internet.

Hinihintay ang paliwanag ni Gob.

Weder-weder lang talaga… may kapalit ka na, Hayden.

••••••••••••••••••••

Hula who. May grupong sosyal na kay galing mangalakal. Pinauso nila ang mga benepisyo na sa unang impresyon mo’y ang mga organisasyong nagka-kawanggawa tulad ng Red Cross ang hustong makikinabang.

Para dumalo sa mga benefit dinners nila, P10,000 kada tao ang “damage”. Umaapaw sa tao ang huling pa-benipisyo at milyones ang nahakot.

Sosyal na salisi gang

Sosyal na salisi gang

Pero wag ka. Ang napunta sa organisasyong nagka-kawanggawa ay umabot lang ng P250,000.

Alam ba ni Kim Henares ang gimik na ito?

••••••••••••••••••••

Huling hirit. May produktong Pinoy na kailangan nyong masubukan. Ito ang Manille Liqueur de Calamansi. Haluaan lang ng Sprite o Seven Up sa isang baso ng yelo, heaven talaga.

manille

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: