Dumadagundong – Pasabog ni Vice!

Noong Miyerkoles, parang niyanig ang bansa ng 8.5 magnitude na lindol sa dambuhalang pasabog ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.
mercado
Ayon sa kanya, si Vice President Jejomar Binay umano ang may ari ng isang malawak na lupain sa Rosario, Batangas ma may magarang mansyon, garahe para sa 40 sasakyan, alagang mga pang-sabong manok at mga dekalidad na kabayo, may imported orchid farm at isang piggery na airconditioned.
hacienda
Ito raw ay halos 350-ektarya ang laki  – sobrang lawak na  ang sukat ay maihahambing sa anim na Rizal Park.
Nagpalabas pa ng video si Mercado bilang patunay sa kaniyang mga paratang.
Hindi natuwa ang mga abogado ni Binay na naghahanda ng petisyon sa Supreme Court para patigilin ang hearings sa Senado dahil nalalabag na raw ang mga karapatan ng Bise-Presidente at ng kaniyang pamilya.
Ika nga ng isa, “Nagsimula tayo sa overpriced building. Nauwi tayo sa overpriced cake at antique collection.”
Reaksyon naman ng isang saksi sa hearing, “Mahirap paniwalaan ang isang taong nag-aakusa na nagpapatalo ng halos P10 milyon sa casino – linggo linggo”.
••••••••••••••••••
Konting buhos ng ulan – ilang beses noong isang Linggo – ay nag-resulta sa napakabigat na trapik sa maraming lugar sa Metro Manila.
Ang mga nangungunang perwisyo: ang Edsa at ang C-5.
traffic
EDSA Parking Lot
Maraming naipit sa kanilang sasakyan nang anim na oras. Walang magawa kundi tiisin ang gutom, uhaw at pangangailangang mag-banyo.
Ang karamihan ay hindi na natutuwa – babawi nalang sa darating na eleksyon.
••••••••••••••••••
Hula who. Labag sa batas ang mag live-in ang dalawang nag-iibigan kung isa sa kanila ay may asawa. Ito ang natuklasan kamakailan ng isang sexy starlet tapos na siya at ang kaniyang dating iniibig ay kinasuhan ng asawa ng lalaki.
Tama… “dating iniibig”. Nag move on na kasi si sexy at may bago nang BF. Wag sana makasira ang sinampang kasong ito sa pagsasama ng dalawang nag-iibigan.
•••••••••••••••••••
Huling hirit. Parang binangungot ako noong isang gabi. Nagising ako na pinagpapawisan ng malamig.
Napanaginipan ko na inaanunsyo sa isang news program sa TV ang pangalan ng mga bagong Senador:

Abunda… Pacquiao… Revillame… Tolentino… Tupaz… Alcala…

Hanggang panaginip na lang sana.

Lord, wag naman. Magsisimba na ako – kahit pa araw araw!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s