Advertisements

PNP Chief – Matinding Negosyador

Isang Prado SUV na nagkakahalagang P4-milyon ay nabili ni PNP Chief Alan Purisima sa halagang P1.5-milyon lamang mula sa isang car dealer sa Pampanga.

Giit ni Purisima ay binigyan siya na malaking diskwento sa sasakyan. Idol talaga si General… ang tindi sa tawaran.

Nagtataka si Sen Grace Poe  kung papaano nakakuha si Purisima ng 75% discount sa magarang Prado SUV niya (Photo from Philippine Daily Inquirer)

Nagtataka si Sen Grace Poe kung papaano nakakuha si Purisima ng 75% discount sa magarang Prado SUV niya (Photo from Philippine Daily Inquirer)

Kaya lang, kung sino man yung car dealer na iyon – mukhang pumasok sa negosyo para malugi nang todo-todo.

Ayon kay PNP Chief, walang hininging kapalit.

Naku, kung si Purisima ang negosyador para sa mga kaso ng kidnap for ransom… malamang wala ni singkong makukuha ang mga kidnapper. Super negosyador.

Hinggil naman sa malaking mansyon ni Gen. Purisima sa Bulacan na nabuking ng ABS-CBN kamakailan, nakasaad sa SALN ni Purisima na ito’y nagkakahalagang P3.75 milyon lamang. Hirit ng marami ay aabot ng P50 milyon ang halaga.

(Photo from the blog of Ms. Ellen Tordesillas)

(Photo from the blog of Ms. Ellen Tordesillas)

Pero kahit umuulan ng paratang, lampas-langit pa rin ang ngiti ng PNP Chief pagka’t ang tiwala sa kaniya ng Pangulo ay buong-buo… hindi matitinag.

Iba na ang may pinagsamahan.

••••••••••••••••••••

Pulis, pulis.

Kahit hindi pogi, kahit may edad, kahit may misis… lapitin ka sa mga chicks kung ikaw ay opisyales ng PNP.

Kaya nakaugalian na ng maraming mamang pulis ang mamigay ng kanilang “calling card” sa mga binibining daisy – daisy otso anyos… pataas.


magnet

Hapi nga ang isang modelo nang nahuli siya sa isang traffic violation pero hindi tinikitan nang pinakita niya ang “calling card” ng kaibigan niyang Police Inspector.

Sobrang hapi si chiching kaya binalita agad sa kaniyang Facebook page ang kaswertehan.

Hindi natuwa ang maraming netizens.

At hinding-hindi naaliw ang misis… ni serr.

•••••••••••••••••••••••

Huling Hirit.

Ang kinaing bulalo – walang utak. Isang bagong talagang director ng LTFRB ay may panukala para mabawasan ang trapik sa EDSA.

Gusto niyang ipagbawal ang lahat ng pribadong sasakyan sa EDSA, apat na beses sa isang linggo – mula 6AM hanggang 9AM. Sa madaling salita, mga Public Utility Vehicles (PUV) lang ang puwede.

genius

Ang hindi naisip ng henyong ito ay marami sa mga may-ari at top executives ng mga kumpanya ay makakarating lang sa kani-kanilang tanggapan nang mga alas 10 ng umaga dahil sa planong ito.

Dahil magiging matrapik ang mga alternate routes. O, dahil saksakan ng trapik sa EDSA pagsapit ng 9AM.

Habang naiipit sa trapik ang mga manager, ang mga employado ay maghihintay para sa direksyon o assignment para sa araw na iyon. Wala masyadong trabahong matatapos pagka’t halos tanghalian na.

At nag-aambisyon pa ang henyong itong maging alkalde ng Quezon City?

Boo.

twitter

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

One Response to “PNP Chief – Matinding Negosyador”

  1. Asmartrock Says:

    Pasensya at too late the reply but I rechecked again my understanding of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and it clearly states that it is mandated to regulate PUBLIC VEHICLES.

    What the puta is this idiot doing encroaching on PRIVATE VEHICLES that IS NOT in their jurisdiction or even areas of responsibility?

    First things first, I think he should apply in LTO if he wants to mouth off his inane plans.

    Then I’ll call him an idiot there.

    Right now whatever he says is purely irrelevant and it’s surprising that no journalist or media ever pointed this out to him that, “Sir, alam nyo ba kung asang opisina kayo?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: