Advertisements

Walang Kaba Sex – Alok ni Salceda

May bonus ang mga nakatirang malapit sa bulkang Mayon mula kay Albay Gov. Joey Salceda.
Ang mga mag-asawang evacuees na gustong magtalik at naghahanap ng “privacy”ay hindi na kailangang bumalik pa sa mga tahanan nilang malapit sa nag-aalburotong bulkan.
Sagot ni Salceda ang hotel

Sagot ni Salceda ang hotel

Sasagutin ng pamahalaang lokal ang gastos nila sa hotel.
Ayon kay Salceda, ang hiling ng mga mag-asawa na ‘mabaog ni orig’ – nangangahulugan na gustong mag-sex –  ay hindi pipigilan at sisiguraduhin niyang kumportable pa… basta magaganap lang malayo sa danger zone ang loving-loving.
Huli ni Gov ang kiliti ng kaniyang mga ka-lalawigan.
 
••••••••••••••••••••
 
Sobrang tiwala ng pangulo na hindi gagawa ng masama ang kaibigan niyang si PNP Chief Alan Purisima. 
forever
 
Kahit na ano pang pruweba ang naglalabasan: ang larawan ng kaniyang resthouse sa Nueva Ecija, ang modernong poultry factory na ginigiit na pag-aari niya, ang kaniyang SALN na hindi mailabas-labas at kung anu-ano pa.
 
Problema lang, habang umiinit ang debate kung si Purisima ay kurap at nagpayaman sa puwesto o hindi, parami nang parami ang nagaganap na krimen sa ating paligid.
 
Nawawalang-focus ang pulisya.
At bago umuwing Manila para harapin ang problemang-Purisima, shoppingan muna!

At bago umuwing Manila para harapin ang problemang-Purisima, shoppingan muna!

 
••••••••••••••••••••
 
Malaki ang posibilidad na papasa sa Kongreso ang panukalang otomatikong nagpapakaloob ng Philhealth coverage sa lahat ng senior citizens.
senior
 
Ito’y napapanahon at angkop sa ating mga mas matatandang kasama sa lipunan na higit na nangangailangan ng asikasong-doktor at arugang-ospital.
 
Mabuhay… at salamat sa mga nagsulong ng panukalang ito!
 
••••••••••••••••••••
Hula who. Bakit kaya mahirap sibakin ang isang opisyales na inuulan ng puna at paratang? Ano kaya ang mga sikretong nalalaman niya?
????????????????????????????????????????????????????
Suspetsa ng isang sikat na media personality: ang opisyales ang nagsu-supply ng mga pangangailangan ng kaniyang amo. Nakakaintriga kung ano itong sinu-supply ng kontrobersyal na mama.
••••••••••••••••••••
Mindoro – mismong mismo. Napadpad kami sa Mindoro at talagang namangha sa ganda at linis ng isla.
 
Berdeng-berde ang paligid at presko ang simoy ng hangin.

Mindoro – mismong mismo. Napadpad kami sa Mindoro at talagang namangha sa ganda at linis ng isla.

 
Berdeng-berde ang paligid at presko ang simoy ng hangin.
Mala-paraisong Mindoro

Mala-paraisong Mindoro

 
Kaya naman, hindi kataka-taka na lahat ng naiibigan natin ay tumutubo sa mayamang lupa rito: ekta-ektarya ng punong kalamansi, kape at mangga. Pati ang lansones na kayang itapat sa pinagmamalaki ng Bangkok – meron!
 
Ang karagatan naman ay mayaman din sa sari saring isda – pati sa tuna ay sagana.
 
••••••••••••••••••••
 
Huling hirit. Lumalakas ang ugong para sa tambalang Poe-Robredo sa 2016 elections.
(Rappler photo)

(Rappler photo)

Hindi masamang pag-isipan lalo na ngayon na ang marami sa mga nag-aambisyong tumakbo ay corrupt o  napatunayang walang kakayahang mamuno. 

twitter

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: