Sa letrang “I” – Binay!

Kutob ng marami ay mauuwi ang walang-patid na kilatis-Binay sa letrang-I, as in “Impeachment”.

Binay - target ng black propaganda mula pa noong 2010
Binay – target ng black propaganda mula pa noong 2010

Ayan na nga, binigkas na ni Albay Gov. Joey Salceda.

Nag-dadalawang isip ang maraming mambabatas kung sasang-ayon sila sa panawagang ito (lalo na ang mga propesyonal na balimbing). Takot mabalikan kung sakaling maging pangulo si VP.

Ang mga imposible nang maging ka-close ni Binay kailanman ay handa namang maghandog ng isang yumayanig na…

Bingo!

••••••••••••••••••••

Hula who. Africanong baby factory itong higanteng player sa isang ligang amateur. Marami nang inanakan, tapos iniwanan.

Mayroong ilan – menor de edad.

Magnet sa chicks si mokong
Magnet sa chicks si mokong

Balitang may pinakasalan pa at nang ito’y sinimulang pagbuhatan ng kamay, nag alsa-balutan si misis. Ang damuhong ito ay may letrang “M” sa apelyido, as in Lucky “M”e.

Isang dating respetadong kolumnista naman ang kumbinsido na ang matinding trapik ay palatandaan ng sumisiglang ekonomiya.

Engot. Ang pinagsusulat mo ay palatandaan na ang misis mo – at ilang anak – ay nauulanan ng biyaya sa pinagkaloob sa kanilang puwesto sa gobyerno na may kasamang masiglang sahod.

••••••••••••••••••

Dati, pag tayo’y natatakot… lumalapit sa pulis.

Ngayon, pag lumalapit ang pulis… tayo’y natatakot.

(Photo from Inquirer.net)
(Photo from Inquirer.net)

Isang dagok sa PNP ang pagkahuli sa halos isang dosenang pulis ng QCPD La Loma – sangkot sa pag-tutok at pag-kidnap ng dalawang negosyanteng may dalang P2-Million sa sasakyan.

Nabahiran tuloy ng iilan ang reputasyon ng ating 125,000 mga pulis, karamiha’y nagsisilbi naman nang maayos.

••••••••••••••••••••

Habang lumalaganap ang krimen, hindi mahagilap si PNP Chief Alan Purisima.

Hehehehehe
Hehehehehe

Wala sa mga interbyu.

Wala sa bilang ng mga opisyales na tumutungo sa scene of the crime.

Walang inaalok na plano para bumaba ang antas ng krimen.

Siya kaya’y abala sa pagmamando ng mga trabahador sa kaniyang itinatayong bagong tahanan?

Wala ring ni ha, ni ho mula kay Exec Secretary Paquito Ochoa na namumuno ng Presidential Organized Crime Commission (PAOCC). At mula sa misteryosong si Reginald Villasanta, ang Executive Director nito.

Walang ginagawa o walang alam?

••••••••••••••••••

Huling hirit. Kailangang imbestigahan at ikulong ang mga may sala sa Office of Civil Defense.

Ang kakapal
Ang kakapal

May pinagkaloob na P121-Million sa ahensya para gamitin sa mga napinsala ng Yolanda, pero wala ni singko ang nakarating sa mga biktima.

Pambili sana ito ng tents, shelters, kitchen utensils, folding beds/sleeping mats, personal hygiene kits at first-aid kits.

Pero ayon sa isang report ng Commission on Audit, ang 98% ng pera o P118.65 million ay ginamit ng OCD para ipambili ng POL (petroleum, oil, lubricants).

 

twitter

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s