Advertisements

Budget ng Supreme Court – Tinapyas!

 
Maaaring dala ng hinanakit ng mga mambabatas dahil pinagbawal ang PDAF at DAP.
Ito ang ekstrang gasolina ng kanilang mga proyekto.
 
Maaaring ang hakbang ay pakikisama nila sa na-asar na PNoy.
 
Sa hindi pa malinaw na dahilan, tinapyasan ng halos P15-bilyon ang 2015 budget ng Supreme Court. 
 
Imbes na aprubahan ang hiniling ng Korteng P32-bilyon na budget, P20.3 bilyon lamang ang inilaan ng Department of Budget Management sa budget na sinumite sa Kongreso.
budget
 
Daing ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kulang ito at mawawalan na ng pagkapantay na kapangyarihan ang Judiciary sa Executive at sa Legislative branches ng gobyerno.
 
Sa kabilang dako, ang paulit-ulit na reklamo ni PNoy ay ang Supreme Court ay pakialamero at abusado sa kapangyarihan.
 
Tigilan na sana ang away isip-batang ito. Hindi magandang ehemplo.
 
•••••••••••••••
 
Pinagyabang ng PNP na bumaba ang bilang ng krimen sa Metro Manila.
 
Tapos ng pahayag, sunud-sunod na nagsulputan ang mga riding-in-tandem shooting, holdap at pananakit sa loob ng mga taksi, at kidnapping for ransom na insidente.
 
May kumalat pang litrato sa internet na nagpapakita ng mga lalaking nakatutok ang mga baril at mukhang pinapalabas sa sasakyan ang target nilang kidnapin.
edsa
 
Ito’y nangyari sa gitna ng Edsa nang mga alas dos ng hapon. Walang takot.
 
Walang mabigay na detalye ang PNP sa pangyayari.
 
Nguni’t kanilang inanunsyo… kung may magdi-demanda, iimbestigahan nila.
 
Bulok na sagot.
 
•••••••••••••••
 
Nilibing na ang impeachment cases laban sa Pangulo. Ito’y sinigurado ng maraming miyembro ng Kongreso na nagkaisang tsugiin ang mga paratang.
 
Naging emosyonal ang isa sa mga naghain ng kaso, si Cong Neri Colmenares, na inilabas ang hinanakit sa pamamagitan ng pasgigaw ng ilang piling pananalita kay Cong Ben Evardone (dating malapit kay Pangulong GMA, at ngayo’y ka-close ni PNoy): “walang prinsipyo… balimbing!” 
balimbing
 
•••••••••••••••
 
Mukhang puwera na ang Gilas Pilipinas sa final round ng FIBA World Cup of Basketball.
 
Todo ang tibok ng puso ng mga manlalarong Pinoy pero, ang masakit na katotohanan, kulang talaga tayo sa taas at laki/bigat ng katawan.
 
Kahit nabigo, malaking pasasalamat pa rin ang buong bayan!
 
•••••••••••••••
 
Huling hirit. Mukhang ang binansaggang Boy Sundo at Boy Padyak at Boy Kargador at Boy Trapik ay malapit nang magkaroon ng bagong palayaw.
boy
 
Napapansin kasi ng marami na kahit saang departamento siya ipuwesto, sumasabay ang mga kapalpakan at sabit.
 
Kaya…
 
Boy Malas?
••••••••••••••••••••••••
 
twitter
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: