Advertisements

Kilatis Binay – Ba’t Ngayon Lang?

Nakakapagtaka kung bakit ang lahat ng umano’y pangungurakot ni VP Jejomar Binay ay ngayon lang iniimbestigahan o pinupuna?

Ilang tulog na lang?

Ilang tulog na lang?

Tulad ng parking building ng Makati City Hall na sinimulang itayo noong 2010 pa nguni’t ngayon lang binubusisi.

Tulad ng naungkat na cake para sa mga may kaarawang senior citizen ng Makati na nagkakahalaga raw ng P1,000 samantalang may mga cake na kaparehong kalidad na nagkakahalagang P350 lamang.

Lumang paratang na: ginamit ni Erwin Genuino noong 2010 nang tumakbo siya sa pagka-alkalde ng Makati laban sa kasalukuyang Mayor si Junjun Binay.

Mahalay ang isyu: ang mapursiging nag-iimbestiga ay mga mambabatas na may interes na lihis sa interes ni Binay.

Isa’y si Sen. Alan Peter Cayetano na may ambisyong maging Pangulo. At nariyan din si Sen. Antonio Trillanes na pumuporma para tumakbong Bise. Bise nino? Wala pang nakakaalam.

Okay ang mag-imbestiga. Okay ang malaman ang katotohanan. Pero sana naman, walang ibang pakay ang pipiliing mag-iimbestiga.

•••••••••••••••••

Hula who. Medyo praning ang bigating mambabatas na ito. Tuwing inihahatid ang anak niya sa private school na pinapasukan, isang katerba ang security.

At pagbaba ng bata sa kotse, mabilis siyang pinapaligiran ng kaniyang close-in security – parang mga taga-Secret Service… parang nanonood ka ng pelikulang “The Bodyguard”.

Ganito ka exagge ang security ng totoy

Ganito ka exagge ang security ng totoy

Kawawang bata – malamang mamana ang pagkapraning ng ama. Sana lang, wag manahin ang boses ni Daddy na tinig bebot – lalo na pag ini-interbyu sa radio kung saan walang visual.

••••••••••••••••••

Bakit si Pacman lang? Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Kamao ng Bayan, si Manny Pacquiao, hinggil sa umano’y kakulangan na binayarang buwis nang ilang nakalampas na taon.

Puwede rin kayang imbestigahan ng BIR ang sahod at kaukulang buwis na dapat bayaran ni Andray Blatche, ang imported-na-naging-naturalized-citizen na miyembro ng Gilas Pilipinas basketball team?

Mahal ang Pinas? (O. ang pera ng Pinas?)

Mahal ang Pinas? (O. ang pera ng Pinas?)

Alang-alang sa fairness at “transparency”?

•••••••••••••••••••

Huling hirit.

Nagtataasan ng kilay ang marami sa bagong grupo ng “reformists”.

Binasaggan ang sarili na Koalisyon ng Mamamayan Para sa Reforma (KOMPRE), ang convenor at tagapagsalita ng grupo ay si Karina Constantino-David, isa sa mga opisyales na niluklok ni PNoy sa katakamtakam ng puwesto sa GSIS . Umaabot sa P2.4 milyon kada taon ang tinatanggap niya bilang miyembro ng board of trustees ng GSIS.

Peking reformists o Black & White na nilagyan ng kulay?

Peking reformists o Black & White na nilagyan ng kulay?

Ang ibang miyembro naman ay pamilyar na sa atin: ating nasubaybayan sa kanilang partisipasyon sa isa pang grupong “reformist” – ang Black & White Movement.

So… palit ng pangalan, bago at mas epektibong “reformists” na?

Nagtatanong lang po.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: