“Saka Na Hearing – Busy Kami”

Mukhang hindi na agad masusundan ang pagkakulong ng tatlong senador na nasangkot sa pork barrel scam.

Wala raw kasing panahon ang blue ribbon committee ng Senado na ipagpatuloy ang mga hearing ayon sa chairman nitong si Sen Teofisto Guingona III.

tg

Ang dahilan:  busy sila sa 2015 budget.

Mukhang pati ang pinangakong pag-presenta ng 2nd at 3rd batch na mga mambabatas na sangkot sa iskandalo ay nalimutan na rin ng Department of Justice.

Mas abala ngayon ang Senado sa pagiimbestiga sa mga umano’y anomalyang binibintang kay Bise Presidente Jejomar Binay at sa kaniyang mga kamag-anak.

Marami tuloy ang nagsususpetsa na hindi patas ang laban.

Nagpapatunay lang na tama ang dating Pangulong Erap na siyang nagdeklara – “ang buhay ay weder-weder lang”.

•••••••••••••••••••••

Hula who. Nadaanan ng isang kaibigan ang mansyon ng isang kapatid (na hindi taga-showbiz) ng isang mataas na opsiyales. Nagulat siyang makita na halos isang dosenang pulis ang nagbabantay dito.

Medyo kapalmuks pagka’t naka-uniporme ang lahat. Sino o ano ba ang kinakatakutan?

(Photo from Inquirer.net)
(Photo from Inquirer.net)

Kawawang mga pulis. Nagsumikap nang husto para lang maging… sikyu?

•••••••••••••••••••••

Pwedeng itapat, pwedeng ipagmalaki. Sa isa sa pinaka-prestihiyosong marketing awards sa Southeast Asia – ang Loyalty & Engagement Awards ng Marketing Magazine – isang produktong gawang Pinas ang naging “finalist” at tinapatan ang mga multinational tulad ng DHL, HP, DBS Bank at ilan pa.

manille

Ito’y ang inuming Manille Liquer de Calamansi mula sa Destileria Limtuaco. Isa lang ang Manille sa maraming bagong produktong may ugat-Pinoy mula sa kathang-isip ni Olivia Limpe-Aw, ang batang-batang ginang na namamahala sa Destileria. Andyan din ang Amadeo Coffee Liqueur at Paradise Mango Rum at marami pang naghihintay na maipakilala sa mundo.

Habang ang iba’y nag-iisip ng ideya na “stateside”, counterflow naman itong si Olivia. Mabuhay ka!

•••••••••••••••••••••

Kumalat ang video na nagpapakita ng isang lalaking pinugutan ng ulo ng mga rebeldeng binansagang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

foley

Ang biktima ay nahahawig umano kay James Foley, isang Amerikanong reporter na nawawala mula pa Nobyembre 2012 sa Syria.

Ang pagpugot ay parusa raw sa walang tigil na pagbubomba ng Amerika sa mga teritoryo ng ISIS sa Iraq. At marami pa raw susunod  kung hindi titigilan ng mga Amerikano.

Kaawa-awa naman ang matagal nang nagdurusang pamilya ni Foley pero nakatitiyak ang mga eksperto na siya nga ang nasa video.

•••••••••••••••••••••

Huling hirit. Malaki ang ginagastos natin tuwing napapasyal sa mga mall. Pero, bakit ba tayo pinagbabayad pa sa parking?

attendant

 

 

Opening on Oct. 1

facade

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s