Advertisements

Aksidente sa MRT – Dala ng Korapsyon?

Matagal-tagal na rin tayong pinapayuhan ng ilang mga mamamahayag tulad ni Jarius Bondoc at Boo Chanco na mag-ingat tuwing sasakay sa MRT.

Nag-aalala silang nanganganib ang buhay ng bawat pasahero dahil hindi maayos ang pagme-maintain ng mga tren.

Nangangamba sila sa maraming kwestyonableng transaksyon sa MRT.

Tulad ng maintenance contract ng MRT-3 noong 2012: nagkakahalagang P290 milyon, ang kontrata ay pinagkaloob sa isang kompanyang dalawang buwan pa lang nabubuo.

Saliwa ito sa mandato ng gobyerno na ang sasali sa mga malalaking bidding ay nangangailangang may karanasan na di kukulangin ng limang taon.

(Philippine Daily Inquirer photo)

(Philippine Daily Inquirer photo)

Noong Miyerkoles, sa estasyon mg MRT sa Taft Avenue, nagka-aksidente na nga: isang tren ang lumampas sa riles at dumiretso sa kalsada. Halos 34 tao ang nasaktan. Nagkabuhol-buhol ang trapik.

Unang pahayag ng spokesman ng MRT na si Hernando Cabrera ay simpleng problemang teknikal lang umano ang nangyari: ang tren ay tumirik dahil nawalan ng power.

Hindi mahagilap si DOTC Secretary Abaya noong naganap ang aksidente.

Sino kaya ang mananagot sa nangyari? Hugasan na naman ng kamay ang kasunod?

•••••••••••••••••

Hula who. Pinagdarasal ng marami ang isa pang termino para kay Presidente Benigno S. Aquino. Ito ay dala ng takot nilang makulong pag wala na sa poder ang Pangulo dahil sa kanilang partisipasyon sa iskandalong DAP at PDAF.

Noong Miyerkoles, nabuhayan ng loob ang mga mapagdasal na ito nang inihayag ni PNoy sa isang panayam sa TV5 na bukas siya sa panukalang baguhin ang Saligang Batas para mabawasan ang – sa kaniyang palagay – sobang lawak na kapangyarihan ng Korte Suprema. Dinagdag na bukas rin siya sa isa pang termino kung ito’y kagustuhan ng taong bayan, ang  “mga boss” niya.

kailangang paalala kay PNoy ang mga salita ng kaniyang ina, "“There is a secret I would like to share. The honor of the Presidency is so great, no one needs to have it more once. The honor sticks to you. A president is never forgotten, whether he is good or bad. Better to be remembered as good one.”  (Photo from ellentordesillas.com)

Kailangang paalala kay PNoy ang mga salita ng kaniyang ina, “The honor of the Presidency is so great, no one needs to have it more than once. The honor sticks to you.   A president is never forgotten, whether he is good or bad. Better to be remembered as a good one.”
(Photo from ellentordesillas.com)

•••••••••••••••••

Nagluluksa ang buong mundo sa pagkamatay ng magaling na aktor na si Robin Williams. Nagbigti gamit ang sinturon, siya ay nagpakamatay dahil sa tindi ng nararanasang clinical depression.

robin

Mahirap nating basta-basta maintindihan ang pagdurusa ng may sakit na ito.

Sori. Hindi ito simpleng sakit na malulunasan agad-agad ng ilang payo rito, ilang payo roon.

Isipin niyo ang pinakamalungkot na kabanata sa inyong buhay. Tapos, palawakin ito nang sampung libong beses.

At malamang may ideya na kayo ng nararamdaman ng isang kaawa-awang clinical depressed.

Hindi nag-iinarte lang. Hindi sumpong lang.

Mami-miss ka namin, Robin Williams.

•••••••••••••••••

Huling hirit. Hindi naming lubos na maisip ang paniniwala ng marami na isang tao lang ang makapaglilingkod nang tapat bilang pangulo sa isang bansang may 100 milyong tao.

act2.jpg

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: