Advertisements

PNoy – Isa Pang Termino… Bakit?

Mayroon nang 100 milyong Pilipino ngayon pero ang paniwala ng isang grupo ay walang kayang pumalit kay Presidente Benigno S. Aquino. Sinimulan ang “panukalang” ito sa Facebook sa isang pahinang binansaggang “One More Term for PNoy” at agad sinegundahan ni DILG Secretary Mar Roxas.

isapa

Ayon sa marami, dalawa ang puwedeng dahilan kung bakit nabuo ang “panukalang” ito.

Una: para madagdagan ang termino ni PNoy, kailangang baguhin ang Constitution.

Kung babaguhin, maaaring isabay na gawing legal sa Constitution ang ilang pinasukan ng administrayong Aquino na may sabit ayon sa mga eksperto – tulad ng Disbursement Acceleration Program (DAP), ang Bangsamoro entity, at ang Visiting Forces Agreement.

Pangalawa: kung may isang termino pa si PNoy, may mahabang panahon si Roxas na maakit ang mga botante para sa 2022 presidential elections – kung saan siya’y maaaring tumakbo at malamang puwera na si Bise Presidente Jojo Binay dahil sa katandaan para manungkulan.

one more

Anumang dahilan ang ilalako, salisi sa kahilingan ng nakararami ang balak na ito.  

•••••••••••••••••

Hindi biro ang clinical depression. Isipin nyo ang pinakamalungkot na sandali sa inyong buhay… tapos, palawakin ang kalungkutang ito ng isang libong beses.

depress

Ganyan katindi ang lungkot na dala ng depression.

Nakikiramay kami kay dating Manila Mayor Mel Atienza at sa kaniyang pamilya. Dahil umano sa ma­tinding depression, tumalon ang kaniyang apo mula sa ika-45 na palapag ng isang condominium sa Makati City. Ang apo ay may edad 18, dalaga, at estudyante ng Endurun Colleges, Taguig City.

•••••••••••••••••                                                 

No 1 na ang Pilipinas – pinakamahal na kuryente sa Asia. Pinakamataas ang singil sa kuryente sa Pilipinas sa presyong 36.13 US cents kada kilowatt/hr. Sumusunod dito ang Singapore: 20.88 US cents kada kilowatt/hr. At pangatlo ang Japan sa presyong 20 – 24 US cents kada kilowatt/hr.

electric

Ang kaibahan ng dalawang bansa sa Pilipinas – wala silang power interruptions at rotating brownouts.

•••••••••••••••••

Hula who: nag alsa-balutan ang anak na dalaga ng isang mayaman na mambabatas. Lahat ng kayamanan sa mundo ay hindi nakayanang pigilan siya sa pagsama sa kasintahang kontra ang pamilya. Tumakas ang dalawa at ngayo’y genuine na masaya sa isang romantikong lungsod sa Europa – kung saan sila ay natsismis na nagka-baby. May mga kasong iniwan ang lalaki sa Pinas.

paris

•••••••••••••••••

Huling hirit. Nakakalungkot isipin na ang isang simpleng banggaan sa C5 ay maaaring makasira sa buong araw ng libu-libo. Pero ito ang mismong nangyari noong Lunes at marami’y nababad sa agad-lumawak na trapik ng hanggang apat na oras. Aanhin mo ang binabanderang sumisipang ekonomiya ng Pilipinas kung miserable ka naman?

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: