Napaiyak si PNoy pagka’t…

Iba’t ibang ispekulasyon ang kumakalat kung bakit napaiyak si PNoy habang nagtatalumpati noong SONA. Eto ang ilan…

  1. Pagka’t pinagbawalan siya ng kaniyang mga adviser na muling sisihin si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
  2. Pagka’t kulang-kulang na 700 araw na lang siyang pangulo pero wala pa ring syota
  3. Pagka’t susunod niyang tungkulin ay ang pag-alaga kay Josh at Bimby

    (Photo by Philippine Inquirer)
    (Photo by Philippine Inquirer)
  4. Pagka’t mababawasan na ang mga pagkakataong makakanta niya ang “Estudyante Blues” sa harap ng nagpapalakpakang tropa
  5. Pagka’t, tapos ng kaniyang termino, bihira na niyang makakasama si Butch Abad at mamamangha sa kakaibang abilidad at likot ng pag-iisip nito
  6. Pagka’t ang paulit-ulit niyang pinangakong sapat na bigas para sa bansa ay nauwi sa kapos at mahal na bigas para sa bansa
  7. Pagka’t patapos na ang masasayang araw ng libreng gasolina at kuryente
  8. Pagka’t nakakatiyak siya na ang marami sa mga “dilaw” na pulitiko ngayon ay magpapalit-kulay… mabilis pa sa pagsigaw mo ng… “balimbing”

    Hindi nabanggit sa SONA
    Hindi nabanggit sa SONA

•••••••••••••••••••

Hula who. Ang isang mayaman na pinaghihinalaang may tililing sa pag-iisip ay naglahad ng kaniyang pagpabor sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). Kaniyang giniit na ang ikabubuti ng nakararami ay mas mahalaga kaysa sa ating Saligang Batas.

woman

Pero, sino ang magpapayo kung ano ang ikabubuti ng nakararami?

•••••••••••••••••••

intra

May kakaibang sikreto sa Intramuros. Mapalad akong mabilang sa piling-piling naimbita para silipin ang Destileria Limtuaco Museum sa Intramuros.

Sinimulan ang museong ito nang halos sampung taon na at hindi pa rin bukas sa publiko pagka’t gusto ng mga may ari na makabuluhan, tapat sa kasaysayan, at orihinal ang lahat na masasaksihan dito.

Dito’y makikita ang ilan sa mga unang makinang ginamit sa paggawa ng mga de-kalidad na inuming napamahal na sa mga Pilipino.

(Photo by Carlos Celdran)
(Photo by Carlos Celdran)
(Photo by Carlos Celdran)
(Photo by Carlos Celdran)

Parang bumalik ka sa kahapon habang pinagmamasdan ang mga luma at kupas na larawan ng destileria at ng mga nagpasimuno nito, mga lumang botelya at label mula pa ng panahon ng Kastila, mga gamit factory at opisina na ikatutuwa ng mga kabataan ngayon, at ang masusing proseso sa paggawa ng mga inuming maipagmamalaki ng bawat Pilipino.

Sisikapin daw buksan ang museo ngayong taon, pero gagawin lamang kung ito’y “hinog na”.

•••••••••••••••••••

Huling hirit. Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga kabataan ay walang pakialam sa mga isyung yumayanig sa pamahalaan ngayon – ang malawakang pagsisinungaling, pagnanakaw at pagpapalusot. Mas gusto pang unahin ang good time at gimik. Ay naku, kayo rin…

pride

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s