Advertisements

Magarang airport? Paubaya sa INC

Namangha ang libu-libong nakasaksi sa pagbukas ng pinakamalaking arena sa buong mundo – ang napakagarang Philippine Arena sa Bulakan na kayang-kayang paupuin ang 55,000-katao.

Phil. Arena

Nagkakahalaga ng P8.7 billion o $200 million ang Philippine Arena at itinayo gamit ang pera mula sa abuloy ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo.

Magdiriwang ng ika-100 taon ng pagkatatag sa Hulyo 27, ang INC ay hindi nangailangan ng pondo mula sa pamahalaan – walang PDAF, walang DAP, walang pork barrel o kickback na nagpalit ng kamay.

Ayon sa isang opisyales ng simbahan: “Sa loob ng 100 taon, itinuturo po ng aming simbahan ang kusang pagkakaloob. Ito naman po ay walang pilitan. Kung anuman ang aming nakalap ay nagagamit lamang para sa mga pangangailangan ng simbahan”.

Natapos ang Arena nitong Mayo 2014 at inabot lang ng 30 buwan para itayo.

Pakiwari ng marami, mas mainam yata ipaubaya na lang ang mga airport, highway at ibang proyekto ng pamahalaan sa Iglesia Ni Cristo para mataas ang antas, magara, tapos agad at walang bahid ng korapsyon.

***************

Walang patid ang pagde-depensa ni Pangulo Benigno S. Aquino sa Disbursement Acceleration Program (DAP). Ang paulit-ulit na ginigiit: ang DAP ay maaaring lumahis sa constitution pero ito’y hindi isang krimen – kinailangang magpalipat-lipat ng pondo para bumilis-bilis ang asenso ng bayan.

dap

Tanong lang ng maraming mga mamamayan: papaano bibilis ang asenso sa pagbigay ng P1.5 billion para sa Cordillera People’s Liberation Army, P1.8 billion para sa Moro National Liberation Front, P8.6 billion para sa ARMM, P30 billion para dagdag-puhunan ng Bangko Sentral ng Pilipinas?

Tanong naman ni Sen Serge Osmena: sa pondo sa DAP para sa infrastructure, may katotohanan bang P10 billion (o, $230.98 million) ang nilaan para sa lalawigan ng Tarlac lamang at pinagkaloob ang proyekto sa isang paboritong contractor na wala nang public bidding?

***************

Mas magdurusa pa sa 2015. Inamin ni Energy Secretary Jericho Petilla na magkakaroon ang Luzon ng regular na brownout sa isang taon – mula Marso hanggang Mayo. Ang bawat brownout ay tatagal ng hindi kumulang sa tatlong oras.

brownout

***************

Huling Hirit. Hindi natuloy ang inaabang-abagang basketball game ng Smart Gilas laban sa ilang players ng National Basketball Association (NBA). Base sa kontrata pala ng mga NBA stars, bawal maglaro kung walang pahintulot ng NBA. Halos P200-M ang nagastos ng mga kumpanya ni Manny V. Pangilinan para sa talent fee at gastusin ng mga manlalaro.

gilas

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: