Mga Henyo sa Batas – Mali?

Lumabas sa telebisyon si Pres. Benigno S. Aquino para pasingawin ang kaniyang hinanakit sa hatol laban sa Disbursement Accelerated Program (DAP).

Ayon sa kaniya, ang ginawang paglipat ng pondo sa ilang mas kritikal na proyekto – sa pamamagitan ng DAP – ay hindi unconstitutional – kabaligtaran sa hatol ng Supreme Court.

"Hadlang ang hatol sa asenso ng bansa..."
“Hadlang ang hatol sa asenso ng bansa…”

Heto ang kinakataka ng nakararami: tinuring unconstitutional ang DAP ng lahat (13 vs 0) ng miyembro ng Supreme Court.

Walang kumotra kahit pa ang ilan sa kanila ay naluklok sa puwesto dahil kay PNoy mismo.

Ang “13 vs 0” na opinyon ay mahirap baligtarin at kaduda-dudang baguhin  –  kahit pa magbago ng isip ang ilang huwes.

Masama ang loob na pinayuhan ng presidente ang korte na maaaring hadlang sila sa asenso ng bayan at kailangang pag-aralan nang husto ang hatol. Kasabay niyang pinarating ang banta na may posibiidad na magkakasubukan ang Palasyo at ang mga huwes sa isyung ito.

Tiyempong inihayag naman ng ilang mambabatas na sisimulan na nilang imbestigahan ang ilang gastusin ng Supreme Court.

Naghihintay ang buong bansa: lalabanan ba ng 13 huwes ang simpleng banta at panggigipit? O, hahayaan na lang nilang lumihis ng kaunti ang  “hindi-gagawa-ng-masama” na Pangulo?

•••••••••••••••••••••••••

Pati sa pagpili ng panig – color coding? Inanyayahan ni PNoy na magsuot ng yellow ribbon ang mga patuloy na sumusuporta sa kaniya.

yellow

Dilaw laban sa ibang kulay? Parang may mali ata.

Kaya ba may nakarinig sa Pangulong kumakanta kuno sa sarili… “saan… saan ako nagkamali?”

•••••••••••••••••••••••••

Gabi-gabi, isang milyong bote ng Emperador brandy ang nabebenta. Ibig sabihin ba nito’y umaasenso na ang Pinas – asensong ipinagdiriwang ng tatlo hanggang apat na milyong Pilipino na pinagsasaluhan ang Empi?

Puwede naman kayang ang tatlo hanggang apat na milyong Pilipinong ito ay umaasa sa Empi para malimutan ang kanilang mga problema?

Tumatagay para ipagdiwang ang economic "miracle" o para malimutan na bukas ay gutom na naman?
Tumatagay para ipagdiwang ang economic “miracle” o para malimutan na bukas ay gutom na naman?

Tanong na palaisipan.

•••••••••••••••••••••••••

Hula who. Isang beterano at multi-awarded dramatic actress ay namataang nag-eenjoy nang husto sa Phuket, Thailand kamakailan. Hindi niya kasama ang mister pagka’t siya ay biyuda. Imbes, may kasama siyang matangkad at maalalahanin na… babae.

bikini

•••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nabubuhayan ng dugo ang mga kalalakihang naging mama noong dekada 70. Ito’y pagka’t active na naman sa showbiz si Vivian Velez, ang tinaguriang Miss Body Beautiful. Walang ibang imahe ang naka-tattoo sa utak ng grupong ito – naakit at na-memorize ang kabighag-bighaning katawan.

vv

 

 

ddg1

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s