Isang Tanong – Ba’t Di Masagot?

tanong.001Pikon na pikon ang sambayanan sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) na – ayon kay Budget Secretary Butch Abad – ay nilikha para pabilisan daw ang asenso ng bansa.

Pikon na pikon pagka’t  nanatiling tameme si Abad mula nang idiniklara ng Supreme Court na maraming bahagi ng DAP ay unconstitutional. (Busy daw siya sa 2015 budget.)

Walang paliwanag si Abad sa iisang tanong: saan-saan napunta ang bilyun-bilyong pinaghirapan ng bawat Pilipino?

Lalo pang nakakapikon pagka’t hindi matiyak kung magkano talaga ang pinamudmod na pondo. Ang komputasyon ay iba-iba: P136.8B, ayon sa isang press release ng Department of Budget Management (DBM). P144.3B, ayon sa isang report ni Abad sa Pangulo. P149.2B, ayon sa mga dokumentong nilatag sa Supreme Court. At, P157.4B naman, ayon sa website ng DBM.

Pati ang mga tagapagsalita ng Malacanang ay nanggulo: imbes na sagutin kung saan nakarating ang bilyun-bilyon, pinayuhan ang mga mambabatas na sila ang magpaliwanag kung saan ginamit ang natanggap na parte mula DAP.

since ang hirap sagutin ang tanong, malamang mas gugustuhin ni Spokesman Lacierda na kanatahan na lang ang mga galit na nagtatanong
since ang hirap sagutin ang tanong, malamang mas gugustuhin ni Spokesman Lacierda na kanatahan na lang ang mga galit na nagtatanong

Pakiwari ng marami: kung walang sabit si PNoy at si Abad, hindi mag-aatubiling ilahad agad ang pinaroonan ng DAP. Dedma man ang dalawa, hindi hahayaan ng sambayanan na walang paliwanag at walang mananagot.

••••••••••••••••••••••

welcome to sudan Mas nanaisin pa raw ng marami ang mag-apply para sa green card sa Sudan kaysa makitang magkatotoo ang kumakalat na tsismis.

According to ABunda's Facebook page, his candidacy is  about overcoming mediocrity, embracing excellence, and changing the face of Philippine politics
According to Abunda’s Facebook page, his candidacy is about overcoming mediocrity, embracing excellence, and changing the face of Philippine politics

Ang mainit na tsismis: tatakbong Senador si Boy Abunda sa 2016 at ang bespren niyang si Kris Aquino ay maaaring tumakbong Gobernador ng Tarlac – o, Bise Presidente.

••••••••••••••••••••••

Natutuklasan ng marami na hindi pala suntok sa buwan ang panukala ni Isabela Congressman Rod Albano na gawing legal ang medical marijuana sa Pilipinas.

Scientists are discovering more and more ways to unleash the amazing medicinal properties of marijuana
Scientists are discovering more and more ways to unleash the amazing                     medicinal properties of marijuana

Patuloy na natutuklasan ang kay raming lunas na dala ng medical marijuana. Kaya pati ang simbahan ay handa nang tanggapin ang kahalagahan ng panukala ni Albano – sa kondisyon na ang medical marijuana ay papagamit lamang sa mga pasyenteng may taning na ang buhay.

Nangunguna ang Estados Unidos sa pagtulak ng marijuana bilang medikasyon.

Kamakailan lang, nilagdaan ni New York City Gov. Andrew Cuomo ang pa­nukalang ­Compassionate Care Act, na pinapa­yagan ang mga doktor na mag-prescribe ng marijuana sa mga pasyenteng mayroong seryosong sakit.

••••••••••••••••••••••

bottoms up... sa kita!
bottoms up… sa kita!

Huling hirit. Umarangkada at pumatok nang husto ang Emperador Brandy. Apektado tuloy ang dating malaking kita ng mga gumagawa ng ibang inumin tulad ng beer at rum. Ang sabi ng isang eksperto, ang maraming proyekto ng Megaworld ay umuusok – katas ng Emperador.

Bottoms up… sa malaking kita!

pepi

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s