Kung may Tensyon – Limot Mansyon?

Napadpad ako sa Davao sa mismong araw na nag-anunsyo ang Palasyo na nasa “high alert” ang lungsod. May plano raw na manggulo ang ilang hindi-nabanggit-o-walang-ngalang mga terorista.

Pero, nanatiling normal lang ang buhay ng mga Dabawenyo. Walang nabahala sa babala.

Panatag ang loob ng nakararami na patuloy na magiging mapayapa at ligtas ang lungsod sa subok na pangangasiwa ni Mayor Rudy Duterte.

Tuloy pa ring pinutakte ang mga turista ng mga nagbebenta ng napakatamis na suha at sunglasses na “smuggled” kuno.

Suspetsa tuloy ng mga malilikot mag-isip na ito’y pakana lamang ng awtoridad para malimot ang iskandalo tungkol sa magarang mansyon na umano’y pinatayo para kay PNP Chief Alan Purisima.

purisima

Nag amoy-iskandalo nang hindi mapaliwanag ni Chief PNP at ng kaniyang spokesmen kung magkano ang halaga ng mansyon – P25 milyon ba? O, P15 milyon lang? Ito ba’y pinatayo ng pamahalaan? O, regalo kay Purisima ng mga kabaro niyang Freemasons?

Pagka’t no explain, nag-amoy durian ang kabanata.

••••••••••••••••••••••••••••

Kailangang i-double check ni PNoy ang marami sa mga salitang sinusubo sa kaniya ng mga “eksperto” na pumapaligid.

Tulad ng paliwanag na hindi pumasa sa kaniya si Nora Aunor bilang National Artist dahil si Ate Guy ay nasakdal sa Amerika dahil sa bawal na droga. Ayon sa abugado ng artista, si Nora ay naaresto pero ang kaso ay na-dismiss.

Laking diperensya.

••••••••••••••••••••••••••••

May pera sa tsibog sa Tacloban. Walang tigil ang pagbubukas ng magagarang restoran sa The Fort at sa Makati.

Walang tigil din naman ang nagsasara at nalulugi.

Sa mga nalugi: sa Tacloban City tumungo.

Isang restoran lang ang dinadayo at laging puno ng daan-daang mga foreigner na naroroon para tumulong sa rehabilitasyon ng Tacloban.

giuseppe

Solong-solo ang kita – walang kalaban.

••••••••••••••••••••••••••••

Imbes na idiklara na ito’y lumabag sa saligang batas, idineklara ng Supreme Court na ang ilang parte lamang ng DAP ang unconstitutional.

DAP.001

Sige na, sige na nga – ang ilang bahagi lamang.

Papaano na ngayon? Sinong mananagot sa mga parteng lumabag? Magkakabalikan ba ng pera ng bayan?

pakana.001

••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Mayroong 8-taong gulang na pasyente si Dr. William Courtney na may tumor sa utak na hindi kayang operahan.

Ipinakiusap ng ama ng bata na ito’y bigyan ng hindi pangkaraniwang lunas. Imbes na chemotherapy o radiation, gamot na binigay ay langis ng marijuana. Sa loob ng dalawang buwan, lumiit ang tumor. Tapos ng walong buwan, halos wala na ito.

Bago ikondena, pag-aralan muna natin ang bisa ng medical marijuana.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s