CHUBIBO: Annie Batungbakal, tsugi kay PNoy! 

Nora Aunor played Annie Batungbakal in the movie based on Hotdog's song
Nora Aunor played Annie Batungbakal in the movie based on Hotdog’s song

Ang kakaibang talento ni Nora Aunor ay hindi pumasa kay ­Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pagpili ng National Artists ng ­bayan ngayong taon.

Meron sigurong bumulong sa Pangulo tungkol sa drug case ni Ate Guy sa Amerika na ipinanalo naman ng artista. O baka, may nagtsismis tungkol sa bisyo niyang pagsusugal sa mga casino sa US.
Anuman ang binulong, wala itong kinalaman sa galing sa sining ni Ate Guy. Kung anong nais niyang gawin pagkatapos ng trabaho ay hindi na kaila­ngang pakialaman ninuman.
Baka naman hindi nakatulong na dating ka-close ni Nora si dating Pangulong Joseph Estrada na ngayo’y isa sa mga ­pinuno ng oposisyon.
O, baka nasariwa sa pag-iisip ni PNoy ang mga araw ng kanyang tanging pagtrabaho sa pribadong sektor. Naglako ang Pangulo ng athletic shoes at tulad ni Nora Aunor sa pelikulang “Annie Batungbakal”… sa umaga – dispatsadora, sa gabi’y – bonggang-bongga.
Paalala lang po: maraming mga eksperto ang may mas ­mapapagkatiwalaang paliwanag sa isyung ito.
***
Tatlong beses nanligaw, tatlong beses nabigo si PLDT Chairman Manny Pangilinan sa pagnanais niyang maging may-ari o may pinakamalaking sapi sa GMA 7.
Samantalang si San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang ay ngayon lang nanligaw – kasal agad.
Ano bang gayuma ang gamit ni Ang na hindi natuklasan ni MVP?
***
Mukhang ang dating action king ng pelikulang Pilipino ay drama queen na. Nang inaresto si Sen. Bong Revilla, kay ­daming kamera ang nakatutok sa kanyang bawat galaw ­habang pinapatugtog sa loud speaker ang kanyang awiting “Salamat, Mga Kaibigan”.

Ilang oras pa lang sa piitan, nagreklamo na si Revilla sa init ng kuwarto at pag-apir ng mga ipis at daga.
Hindi ‘ata napayuhan ni Erap ang senador na ang buhay ay weder-weder lang.
***
Hindi pa napapag-aralan nang husto, kinondena na agad ng Simbahan ang panukala ni Isabela Congressman Rod Albano na payagan ang paggamit ng medical marijuana.
Ito’y marijuana – hindi para maging sabog – ngunit mari­juana para matulungan ang napakaraming sakit na napa­tunayang malulunasan ng mahiwagang damo.
Mabilis nilaglag ng mga arsobispo ang medical mari­juana pero tameme naman pagdating sa napakaraming casino na nagbubukas sa bansa – napatunayang dahilan sa napaka­raming paghihiwalay, suicide at pagkabaon sa utang.
***
Huling hirit. Nais naming batiin ang “Hijos de Davao”, isang samahan na abala sa pagtulong sa mga kapwa-Dabawe- ño. Ika-50 taong anibersaryo nila sa June 29… limampung taon na walang sawang pagsisilbi sa ikabubuti ng Davao.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s