Advertisements

2014 Pa Lang, 2016 Na Sa Iba!

Ramdam na ang 2016. Ramdam na ang halalan. Kaniya-kaniyang gimik kasi ang mga nagbabalak tumakbo sa ilang matataas na puwesto.
 
Kamakailan lang, nagpunta si VP Binay sa isang miting sa Ayala Avenue kung saan may buffet  na kay rami-raming masasarap na pagkain na nakalatag.  Pero, ito’y tinanggihan ni Binay at ang inupakan ay ang baon niyang paksiw na isda at spam.
binay
 
Poor boy ang pa-epek.
 
Ang mga handlers naman ni Sec. Mar Roxas ay abalang “kinukumbinse” ang maraming mga kolumnista at mga personalidad sa radyo na ang karapat-dapat na susunod na pangulo ay yung hindi rin corrupt tulad ni PNoy – at isang malapit kay Pinoy. Problema lang, ang script at “timing” ng mga “sariling opinyon” ay halos pare-pareho, sabay-sabay.
 
Ganun din ang takbo ng tema ng mga “praise release” ni Sen. Sonny Trillanes: ang dapat pagpipilian ay ang mga taong walang bahid at hindi nasangkot sa pork barrel scam.
 
Hindi nalalayo ang direksyon ni Sen. Alan Peter Cayetano – mensahe niya ay mas lalo pang aasenso kung hindi corrupt ang lider at binigay ang Taguig City bilang halimbawa.
 
•••••••••••••••••
 
Hula who. Dalawang taga-Palasyo ang madalas nakikitang nagde-date. Hindi naman masama… kaya lang, ang dalawa ay parehong kasal – pero hindi sa isa’t isa. 

 
Isang beses, sweet na sweet… salu-salo sila sa “native” na pagkain sa isang restoran sa Greenbelt 5. 
 
Minsan naman ay namataan silang namimili ng… unan.
 
pillow
Mahirap talaga ang magkasama sa parehong tanggapan… lalo na kung ang isa ay boss at isa ay under.
 
Nagiging Kodak – nagkaka-developan.
 
•••••••••••••••••

 
Mala-impyerno ang init dahil sira ang airconditioning. Marumi ang mga banyo. Walang maupuan. Walang tigil ang reklamo ng mga turista at mga kababayan natin sa kondisyon ng NAIA.
naia
 
Dahil hindi naman gaanong kalawak ang karanasan niya, wala namang maalok na mabilisang solusyon si NAIA GM Honrado lalo na ngayong kakatapos lang niya sumailalim sa quadruple bypass.
 
Sobrang selan ng kaniyang kondisyon na kalahating araw lang siyang pinapayagan magtrabaho at nakatutok pa ang kaniyang misis.
 
Kung isang tunay na kaibigan ang pangulo kay Honrado, mainam siguro’y pagpahingahin na siya nang di pa lalong lumalala si GM… at ang NAIA.
 
•••••••••••••••••
Pasabog ni Sandra. Ibinunyag ng whistleblower na si Sandra Cam sa Commission of Appointments na may mga naging kontrobesyal na ka-relasyon si DOJ Secretary Leila de Lima kaya hindi karapat-dapat na makumpirma bilang Kalihim. Binanggit niya si Cesar Mancao at si Ronnie Dayan, ang driver ni de Lima.
delima
 
•••••••••••••••••
Huling hirit. MISIS: Honey, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay!
MISTER: Talaga honey? Magiging daddy na ako?
MISIS: Hindi pa, dito na titira nanay ko!
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: