Nasisinghot ang Corrupt?

 
Matindi ang pang-amoy ng kolumnistang si Jarius Bondoc ng Philippine Star. 
nose
 
Agad niyang nasinghot na isang US citizen (at ka-close ng kasalukuyang Agriculture Secretary) ang tinalagang mamuno sa National Food Authority kahit na malinaw na hindi sapat ang karanasan nito sa mabigat na tungkulin na siguraduhing may pagkain  sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino.
 
Padalhan ka namin ng Vicks Vaporub, Mr. Bondoc, para lalo pang tumindi at walang bara ang pang-amoy mo.
 
•••••••••••••••••
 
Nasinghot din ni Bondoc ang umano’y sadyang pag-iwas na ipaalam ni Al VItangcol, dating MRT General Manager, na ang isang malapit na kamag-anak niya ay bahagi ng isang kumpanyang nabiyayahan ng DOTC.
 
Giniit ni VItangcol na wala siyang pananagutang alamin o ipag-alam kanino man kung anong pinaggagagawa ng mga kamag-anak niya.
bintangcol
 
Ito’y tapos mabulgar na ang tiyuhin ng kaniyang asawa ay kasama sa kumpanya na nakabingwit ng isang maintenance contract sa MRT, sa pamamagitan ng DOTC, na napakalaki (P517.5-M) at hindi na dumaaan sa bidding.  
 
Nalimutan ni Vitangcol na – simula’t sapul, pagka’t napakalaking pera ang nakasalalay – obligasyon na niyang ipaalam sa mga kinauukulan na may kamag-anak siyang maaaring makinabang sa transaksyon.
 
Kaya ayan… tsugi na si Vitangcol. At tuloy ang paggisa sa kaniya sa Senado hinggil sa umano’y tangka ng kaniyang tropang panunuhol na binulgar ng ambassador ng Czech Republic. 
 
At pinakamasakit sa lahat, hinirit ni PNoy na hindi niya kilala ang nasibak na GM.
 
•••••••••••••••••
 
Bayan kong walang guilty. Lumabas na ang extended “affi-dawit” ni Janet Napoles at nadagdagan ang listahan ng mga mambabatas na bahagi sa pork barrel scam.
 
Syempre, walang mambabatas na umamin na totoo ang mga paratang ni M’am Janet.
 
Tinawag pa ni DBM Secretary Butch Abad na sinungaling ang lumikha ng “affi-dawit” dahil pinagbintangan siyang nagturo ng pasikot-sikot ng pork barrel scam sa high school graduate lang na si Napoles.
abadd
 
Dyan magaling ang maraming Pilipino – sa hugas-kamay at sa palusot.
 
•••••••••••••••••
 
Iba ang Pinoy. Pag dumarating ang mga paboritong K-pop group  o singing idols galing ng Amerika, hindi nagdadalwang-isip na gumastos ng hanggang P25,000 para sa concert ticket. O, magtyatyagang manood na lang sa mas malayong puwesto – sa halangang P5,000.
kpop
 
Pero kung ang papanoorin naman ay mga magagaling ng musikerong Pinoy, magrereklamo sa P3,000 halaga ng pinakamahal na ticket na may kasama pang inumin at makakain… at komportableng upuan.
 
Mag ayos-ayos naman tayo ng kaunti.
•••••••••••••••••
Huling hirit. Pikon na ang bayan sa talamak na corruption. Bawat opisyales tuloy ay pinagdududahan. Ang tiwala ay parang sticker. Once na natanggal mo, maaari mo pa itong maidikit ulit pero di na kasing-tibay ang kapit tulad ng dati.
poster

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s