Attack dog na… Bading?

CHUBIBO: Attack Dog na... Bading?

Noong binigyan ng asawa ni Janet Napoles si Sec. Panfilo ‘Ping’ Lacson ng listahan ng mga mam­babatas na may kinalaman sa pork barrel scam, giniit ng marami na dapat isapubliko ni Lacson ito.

Tumanggi si Sec. Ping pagkat nag-aalala siya na baka ito ang siyang makasira sa mga institusyon ng gobyerno.
Problema, nang napuno na si Sec. Ping sa pangungulit at ipinasa ang listahan sa Blue Ribbon Committee ng Senado (na agad namang isiniwalat iyon), inulan naman si Lacson ng batikos.
Pobreng Sec. Ping… maraming mambabatas ang galit sa kanya dahil nasama sila (ganu’n pa mang hindi si Lacson ang naghanda ng listahan).
Bukod dito, tinawag pa siya ni Sen. Miriam Defensor na attack dog ni Sen. Juan Ponce Enrile, at isang bading.
Good sport naman si Sec. Ping. Pinaliwanag na pinayuhan daw siya ng isang doktor na ‘wag papatol sa mga may diperensya sa pag-iisip at matindi ang kamandag ng mga ito.
Tapos, humingi siya ng paumanhin sa lahat ng bading sa republika at giniit na hindi siya ba­ding at walang balak na maging isa.
Masaya talaga sa teleseryeng bansa na ito!
***
Parang wala nang kinakatakutan ang mga kriminal.
Noong isang araw, pinagbababaril ng ilang halang ang bituka ang pitong taong napag-trip-an lang sa may Commonwealth Avenue sa Quezon City. Magkakaibang insidente ang pamamaril at nangyari nang walang dahilan.
Sa Makati naman, binaril ng dalawang lala­king balak mag-carjack ang isang 25-anyos na dalaga na hinihintay lang sa kotse ang boypren niyang kumukuha ng pera sa ATM.
Nasa ICU ngayon ang dalaga. Ang mga namaril ay nakatakas.
Hanggang kailan ba tayong mangangamba na baka ang mga mahal natin ang susunod na biktima?
***
Ai-Ai, nagpa-pussykip. Sumailalim si Ai-Ai de las Alas sa FemiLift, isang paraan upang pasikipin muli ang pinakamaselang bahagi ng mga babae. Ito ay naganap sa beauty clinic ni Dra. Vicki Belo.
Kumakalat ang tsismis na narinig ng ilan si Ai-Ai na kumakanta ng “Like A Virgin” pagkatapos ng pussykip.
***
Hula who. Ang sikat na personalidad na ito ay kagagaling lang sa isang napakaiksing romansa. Pero, ‘wag ka.
Ngayon nama’y may napupusuang commercial model at harap-harap na kinikilig at nakikipag­landian. Teh, ‘wag mo lang sana sundan ng iyakan na naman!
***
Huling hirit. Feel n’yo na magbalik-tanaw sa inyong nakaraan?
Nais kamutin ang “kati” sa pamamagitan ng muling pagpasyal sa Quiapo? Ingat at listo lang.
Ang kaibigan kong binalikan ang kabataan niya sa Echague ay nanakawan ng cellphone — sa loob ng backpack na napakahigpit nang pagkakandado.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s