“I would like to dedicate this song to…” – Napoles

Nabulabog ang marami nang bigla na lang nabalita na nagkausap si Justice Sec. Leila de Lima at si Janet Napoles noong isang gabi sa Ospital ng Makati.

 
Naulat din na kumanta na si Napoles at umano’y 19 mga senador ang dinawit sa pork barrel scam.
napoles
 
Nabanggit naman si Ex-Sen. Ping Lacson na nilapitan din siya ng kampo ni Napoles noong isang buwan para magpatulong at sa kalkulasyon niya’y hindi aabot sa 19 ang damay na mga senador, pero ang bilang ay sapat na para may quorum sa isang Senate session (o, mga 13 katao).
 
Kawawang mga senador – malamang, karamihan sa kanila’y hindi ngayon makatulog, hindi makakain.
 
Nagmumuni-muni at tinatanong ang sarili, “Is it me they’re talking about?”
 
Kung totoong ganoong karaming senador at dalawang bus pa ng tongressmen ang sangkot sa “crime of the century”, tiyak na magbabago ang kulay ng darating na eleksyon.  (Isang pangalan sa listahan ay binansaggang “Mila’s Lechon” dahil malusog at may asawang ngalan ay Mila.) 
 
Kumanta na kung kakanta, para magkabistuhan na.
balls.001
 
••••••••••••••••••••
 
Marami tayong matututunan sa radyo na hindi tinuturo sa eskuwela.
 
Noong isang araw, naduskubre ko na ang tawag pala sa pag-ahit ng buhok sa maselang bahagi ng mga babae ay… landscaping.
grip
 
Ang proseso naman para maging muling mala-birhen ang isang nanganak na ay… pussykip.
 
Saya talaga ng umaga ang programa ni Igan at Ali Sotto.
 
••••••••••••••••••••
 
Pakiramdam ng marami ay may pinagtatakpan ang Malacanang sa kasong panunuhol na binulgar ni Ambassador Josef Rychtář ng Czech Republic hinggil sa pag-angkat ng mga bagong bagon para sa MRT.
Ang mga binibitiwang pananalita ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay medyo asiwa – patuloy niyang hinahamon na maglatag ng ebidensya ang ambassador. Ang kaso, halos isang taon nang nagsasalaysay ng kaniyang nalalaman ang pobreng ambassador sa iba’t ibang ahensya ng paamahalaan, pero parang hindi nasusuklian ng interes o simpatya.
lacier
 
Pumasok kamakailan sa eksena si MRT Manager Al Vitangcol na nagbantang ididimanda niya ang ambassador dahil sa mga bintang nitong siya ang mastermind sa $30-million na panunuhol.
••••••••••••••••••••Huling Hirit
Mukhang nagwatak na ang tambalang Kristek (Kris Aquino-Herbert Bautista) – hindi man lang tumagal ng dalawang buwan. • Pakiwari ng mga “eksperto” na apat ang tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2016: Miriam, Erap, Mar & Binay. • 2016Lumolobo ang bilang ng mga may gustong magkaroon ng “recall elections” sa Bulacan

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s