Advertisements

Pila sa MRT – may kontrabida?

dennischu

Malaking kontrabida ang corruption sa pagdurusa ng mga pasahero ng MRT ngayon.

noong malayung-malayo pa ang Semana Santa'y nagdurusa na ang mga pasahero ng MRT

noong malayung-malayo pa ang Semana Santa’y nagdurusa na ang mga pasahero ng MRT

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, kailangang imbestigahan ang umano’y $30-million na suhol na hiningi ng ilang tauhan ng MRT sa mga supplier ng tren na taga-Czech Republic. Ang iskandalong ito raw ang siyang nagpa-antala sa pag-angkat ng 48 kailangan na kailangang bagon para sa mga tren ng MRT.

Ang kakulangan ng bagong mga bagon ay nagresulta sa napakahabang pila sa mga terminal ng MRT at mahabang paghihintay sa bawat istasyon ng tren.

***

“Inilihim ko ang pagbili ng bahay para sorpresahin ang aking pamilya. Sa kasawiang-palad, ako ang nasorpresa,” ito ang mapait na hinaing ng isang OFW na nakabili ng bahay at lupa mula sa Globe Asiatique ngunit nagkaroon ng aberya sa titulo at pag-aari nito.

ninakaw ang pangarap ng napakaraming mahihirap?

ninakaw ang pangarap ng napakaraming mahihirap?

Nahuli na ang pinaghahanap na namumuno ng Globe Asiatique na si Delfin Lee pero ang imbestigasyon ay puno ng intriga at espekulasyon. Samantala, ang mga kawawang nabiktima — na karamihan ay mahihirap — ay patuloy na nagdarasal at umaasa na lang na mabalik ang kanilang pinaghirapang pera.

***

Nakakalungkot na mas pinag-uusapan ng taumbayan ang bagong mga nag-iibigang sina “Kris-Tek” (Kris Aquino-Herbert Bautista) kaysa sa bagong-pasang RH bill at papaano ito makabubuti o makakasama sa pamil­yang Pilipino. Sa atin kasi, basta showbiz — tabi muna ang lahat.

kristek

***

Marami sa mga taga-Bulakan ang nangangamba na maaapektuhan ang kalakalan sa lalawigan dahil sa kasong plunder na isinampa sa ilang matataas na opisyales nila.

Matumal daw ngayon ang dating ng mga investor at bagong negosyo.

Lahat ay naghihintay sa magiging resulta ng imbestigasyon at paglitis ng mga kaso.

Ewan ko kayo, pero ang tanging dasal ko ay ‘wag magtaasan ang pres­yo ng mga paborito kong produktong-Bulakan tulad ng pastillas de leche, inipit at sukang Paombong. It’s more fun in Bulacan.

pastillas

***

May kumakalat na video sa internet na nagpapakita ng pagkumpuni ng “pagpag” — mga tira-tirang karne na hinahagilap sa basura, nililinis, muling niluluto at pinagtya-tyagaang pangtawid-gutom ng ating mga mahihirap na kababayan.

dapat ipakain sa mga PDAF scammers - tag-isang kawali sila

dapat ipakain sa mga PDAF scammers – tag-isang kawali sila

Habang pinapanood ito, malamang na mamumura n’yo ang ilang mga opisyales nating nagnakaw ng bilyun-bilyon sa kaban ng bayan na napakalaki sana ang naitulong sa mga suki ng pagpag.

***

Huling hirit. Parang tsunami ang pagbuhos ng reklamo sa serbisyo ng Globe. Naiirita ang marami sa dropped calls, no signal, sobrang bagal na internet at walang tigil na spam text. * Magandang balita na pinayagang muling lumipad ang Cebu Pacific sa Europa. Tipid biyahe!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: