Desperadong manalo sa basketbol?

dennischu

Sa pamamagitan ng isang panukala, itinutulak na gawing naturalized citizen ang NBA basketaball player na si Andray Blatche para makasama sa Smart Gilas basketball team – ang siyang kakatawan sa Pilipinas sa FIBA world basketball championship sa Spain, ngayong Agosto.

andray

Ang puspusang mga ninong na umaasa ng “fastbreak” para sa panukala ay si Congressman Robbie Puno at Senador Sonny Agara.

Ang inilatag nilang mga dahilan kung bakit karapat-dapat na maaprubahan ang panukala:

1. Para magkaroon ng pag-asang manalo ang Pilipinas

2. Ginagawa rin naman ito ng ibang bansang kasali

3. Kulang ang koponan ng isang matangkad na manlalaro

Nabababawan kami sa mga dahilan pagka’t:

1. Parang pandaraya ang hakbang na ito

2. Nababawasan ng halaga ang pagiging isang citizen ng bayan natin

3. Kahit sinumang NBA player pa ang isama sa koponan, napakaliit pa rin ng tsansa nating manalo

4. Sa totoo lang, ‘yung malaking suweldo at benepisyo ang pangunahing habol ng bawat “import”

Ang labo ng prayoridad ng Kongreso: ang dapat matulungan ng todo-todo ay ang aktibidad na pinakamalaki ang tsansa na ang Pilipino’y umangat at magwagi… at ito ang larangan ng musika.

Opinyon lang po… ‘wag sana mapikon ang mga panatiko sa basketbol.

***

Balita kay Pogi, Sexy at Tanda? Handa nang magsampa ng kasong plunder sa Sandiganbayan ang Ombudsman laban sa tatlong senador na sinasangkot sa pork barrel scam.

Nang inihayag ang balitang ito, nasa Holy Land si Senador Bong Revilla para magbakasyon at para na rin humiling ng tulong sa mas makapangyarihang puwersa.

Si Senador Jinggoy Estrada naman ay nasa Los Angeles.

At si Senador Juan Ponce Enrile, marahil ay nasa bahay at busy sa kanyang iPad.

orange
Orange is not the new yellow

Walang piyansa sa kasong plunder. So habang dinidinig ang kaso, maaaring makulong ang tatlo.

Isang naiibang kabanata sa kasaysayan natin.

***

Hula who. Sila na ba? Isang alkalde ng napaka­laking lungsod. Isang bigating personalidad na dati’y matatangkad ang hilig. Seryoso ba sila? O, gimik lang para makakiliti sa 2016?

Nagsawa na ata sa matatangkad...
Nagsawa na ata sa matatangkad…

***

Huling hirit.

PNoy… dapat sa Agri? Sabi ng isang kaibigan: dapat si PNoy ang mamuno sa Dept. of Agriculture.

(PIA photo)
(PIA photo)

Tinanong ko kung bakit. Sagot niya: “kasi mahilig siyang magtanim — magtanim ng sama ng loob”.

Damang-dama ito kamakailan nang pumayag ang Pangulong parangalan ang mga tauhan ng Task Force Tugis, ang grupo ng PNP na nakahuli sa “most wanted” na si Delfin Lee. Hindi isinama sa parangal ang lider ng task force na si Sr. Superintendent Conrad Capa na walang tigil ang dakdak at reklamo sa media.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s