Advertisements

Golpe de Gulat… sa June 12?

Malakas ang ugong na yayanigin ang lahat ng mga pulitiko sa June 12… araw na ipakikilala ni VP Jejomar Binay ang kaniyang bagong partidong politikal sa buong bansa.Yayanigin pagka’t hindi lang ang pangalan ng partido ang ipakikilala ni Binay… nguni’t balitang papangalanan na rin ang halos lahat ng mga magiging mga kandidatio nito – mula Presidente hanggang mga senador, hanggang sa mga manok nitong tatakbong alkalde at konsehal.

Naaamoy na ang Pasig River?

Naaamoy na ang Pasig River?

Ang dating ng pasabog: ang Team Binay lang ang handang-handa at nakakasa na para sa 2016.

At hindi ako magtataka na itutuloy lang ng grupo ang pangakong… “kay Binay, gaganda ang buhay”.

Ano naman kaya ang plano ng mga katunggali?

At ano kaya ang “game plan” ng kanilang mga matatalino na “coach” na nabibilangan ng ilang “imports”?

Masaya ito.

•••••••••••••••

Hula who. Romansa sa gitna ng kalamidad? Pa holding-holding hands pa raw at “feeling” Guy and Pip ang dalawang magkasintahang namasyal – hindi sa Luneta – kundi sa Tacloban.

Walang kinalaman o pananagutan sa pinsalang dala ng bagyong Yolanda ang namataang ale na may mataas na posisyon sa gobyerno.

Namamasyal sa Tacloban

Namamasyal sa Tacloban

Pero apir pa rin siya kasama ang natsi-tsismis na boypren.

Nagpapatunay lamang na ang pagibig ay madaling makabaliw.

•••••••••••••••

Dilis ang pinag-initan, hindi ang balyena. Puspusang binabatikos at dinidiin ang dalawang media men na umano’y nakatanggap ng pera (mga P250,000 kada isa) na bahagi ng katas sa pork barrel scam.

small

Samantala, tameme naman ang mga “in charge” na habulin ang marami pang mambabatas na daan-daang milyon ang ninakaw sa nasabing scam.

Baluktot ang mga prayoridad.

•••••••••••••••

Popular na talaga si BIR Commissioner Kim Henares. Naramdaman namin ito sa dalawang pagkakataon: sa nakaraang concert ng Earth, Wind & Fire Experience at sa show ni Bruno Mars na pareho niyang dinaluhan.

Ang haba ng pila ng mga tao. Hindi para bumili ng tiket, kundi para mag pa-picture kasama ang BIR Commissioner.

henares

Senatoriable?

••••••••••

Binalita ng Malaysian Prime Minister na oras nang tanggapin na, ayon sa matibay na ebidensiya, bumagsak ang nawawalang eroplano ng Malaysian Airlines sa Indian Ocean at walang nabuhay sa aksidente.

Madali sanang tanggapin ito pero ang masama sa panlasa, sa pamamagitan ng texting pinarating ng Malaysian Airlines sa mga pamilya ng nasawi ang malungkot na balitang ito.

Usong-uso talaga ngayon ang mahina ang ulo.

txt••••••••••••••••••••••••••

Huling Hirit. Kawawa talaga ang mga pasahero ng MRT. Umaabot na ngayon ng isang oras ang pagpila sa ilalim ng araw – para lamang makapasok sa estasyon ng tren.

ang habahabahabahaba

ang habahabahabahaba

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: