Advertisements

Serbisyong PAL-pak?

Sa pamamagitan ng isang blog, ikinuwento ng inyong lingkod ang kaniyang masamang karanasan bilang pasahero ng Philippine Airlines kamakailan.

Laking gulat ko ng lampas sa 100,000 ang bumasa ng blog at bumaha ang email ng maraming “nakatikim” din ng masamang serbisyo ng airline.

pope

Ayon sa email ng isang Clyde Manzano:

“I travel a lot… nakasakay na sa iba’t ibang airline. Maraming beses sa PAL of course. Pero pansin ko, sa mga Pinoy flight attendants, iba trato nila sa mga puti kesa sa mga pinoy. Eh kung tutuusin, mas malaking porsyento ang pinoy na sinasakay nila. Di pa rin ba maalis ang colonial mentality?”

Mula naman kay irisbaut@gmail.com:

“Maraming taon din akong lumipad sa Philipinne Airlines tungong Pilipinas mula sa Sydney. Nakatikim na rin ako ng walang kuwentang serbisyo ng airline at ng aroganteng trato ng mga flight attendant. Mga simpleng hiling tulad ng kumot o isang baso ng tubig ay parang napakabigat na gawain para sa kanila. Nasisira tuloy ang pagkakilala sa Pilipino bilang maaalahanin at karinyoso. Kailangan ng mga PAL flight attendant ang refresher course sa customer service… o, kahit man lang sa basic manners.”

Damay tuloy ang maraming flight attendants ng PAL na walang kaparis ang pag-alaga sa mga pasahero dahil lang sa kabulukan ng ilang mga walang kuwentang kasamahan.

••••••••••••••••••••

May panukala sa Kongreso na naglalayong itulak at bigyang proteksyon ang Original Pilipino Music. Ito ang OPM Development Act of 2014 na nilatag ni Ifugao Congressman Teddy Brawner Baguilat. Maganda ang intensyon pero medyo mapait sa panlasa pagka’t inaatasan nito ang mga broadcast media na magpatugtog ng apat na awiting OPM kada oras – at may naghihintay na tax incentive sa mga susunod.

suhol para mag-OPM?

suhol para mag-OPM?

Ano? Kailangan pang suhulan ang mga brodkaster para itulak ang musikang sariling atin? Napakapangit naman.

••••••••••••••••••••

Huling Hirit.

– Parusa imbes na parangal: ito ang giniit ni Senior Superintendent Conrad Capa, lider ng Task Force Tugis na siyang nakahuli kay Delfin Lee, isa sa pinaka “most wanted” ng PNP at pinagbibintangang utak sa P7-bilyon na pag-swindle sa napakaraming OFWs at daan-daang Pilipino. Imbes na parangalan siya, tinapon daw si Capa sa Cebu.

– Si Pidol… may kapalit na sa puso ni Zsa Zsa? Nakitang ka-holding hands ang isang kilalang arkitekto?

– Buti nga sa ‘yo. Bastos na station manager ng Cebu Pacific suspendido tapos pigilan ang paglipad ng batang may nakatakdang operasyon sa Vietnam. Ito ay dahil lang sa lukot ng pasaporte.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: