Papa-rehistro ng kotse? Magdusa kayo!

Ang mundo ay paliit nang paliit dahil sa teknolohiya: sa internet lang, puwede na kayong umorder ng napakaraming bagay – libro, airline seats at hotel room, mga appliance, concert tickets… kahit asawa… puwede.

Kabaligtaran naman sa Pinas – ngayon, kung mayroon kang imported car na kailangang i-rehistro, obligado kang gawin ito sa taggapan lamang ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region.

Hindi na puwede sa mga regional offices ng ahensya.

Alam kaya ni DOTC Sec. Abaya ang pinagagawa ng LTO?
Alam kaya ni DOTC Sec. Abaya ang pinagagawa ng LTO?

Taga GenSan ka? O, Ozamis? O, Paoay?

Magdusa ka.

Totoo ba ito, DOTC Sec. Emilio Abaya? Paki-sabi namang tsismis lang.

••••••••••••••••••••••

Nawawala… eroplano.

Ang daming kuru-kuro at haka-haka ang lumulutang hinggil sa biglang pagkawala ng isang eroplana ng Malaysia Airlines. Halos isang  linggo nang nawawala ang flight MH370 na galing Kuala Lumpur patungong Beijing.

Saan ka na kaya ngayon?
Saan ka na kaya ngayon?

Narito ang ilang opinyong tungkol sa nawawalang Boeing 777, isang eroplano na may kahanga-hangang safety record.

1.  May sumabog sa loob ng eroplano.

Nasa taas ng 35,000 feet ang eroplano nang huling nakipagugnayan at biglang nawala na lang sa radar.

Dahil may dalawang pasahero na gumamit ng nakaw na pasaporte, may takot ang otoridad na sila ay mga terrorist at maaaring dahilan sa pagsabog.

2.  Problemang teknikal.

May posibilidad daw na biglang-biglang iniliko ang eroplana at mabilis itong kumabig nang paibaba – hindi na nakaakyat.

3. Sa matinding pagsabog, natunaw ang eroplano.

Ang pruweba: wala pa ring nakikitang wreckage at hindi pa rin natatagpuan ang black box transmission.

4. Na-hijack.

Pruweba: walang natatagpuang “debris” ang eroplano at may posibilidad na nagbalak bumalik ito sa pinanggalingan.

5. Nag-suicide ang piloto .

Ang pilot suicide daw ang dahilan sa 0.5 porsyento ng aksidente sa ere.

••••••••••••••••••••••

Huling Hirit.

Umalis patungong HK ang pork barrel scam witness na si Ruby Tuason noong Marso 2 at babalik lamang sa Abril 5. Ito ay kinumpirma ng spokesperson ng Immigration Bureau. Ang dahilan daw ay para maghagilap ng pondo para maibalik ang P40 million kumisyong natanggap niya sa naturing na scam. • Ilang trak ng food aid na napanis o nabulok ang binaon sa lupa sa Barangay San Jose noong Feb. 5 at Marso 6. Ito ay inamin ng municipal officer ng Palo, Leyte.

Ilang trak ng nabubulok na food aid ay binaon sa lupa sa Leyte
Ilang trak ng nabubulok na food aid ay binaon sa lupa sa Leyte

Kabilang sa mga binasura ay mga biskwit, cupcake, mga de-lata at bigas na nangangamoy na at hindi na puwedeng kainin. • Magsisimula na ang Kuryente Load ng Meralco sa Angono at Taytay.  Ang prinsipyo: gamitin lang ang kuryenteng kayang bayaran.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s