Advertisements

P100,000 para sa check-up?

Humiling si Janet Napoles na magpa-doktor at siya’y dinala sa Kampo Crame para sumailalim sa routine check-up at sa transvaginal ultrasound para alamin kung may tumor sa ovaries.

Ang ginastos ng pamahalaan sa check up at sa 100 pulis na nagbantay sa kaniya ay umabot ng halos P120,000.

checkUp

Samantala, halos P100,000 kada buwan ang gingastos ng gobyerno para sa seguridad ng tinaguriang “pork barrel queen”. 
 
Dahil wala namang inaalok na kooperasyon o impormasyon si Napoles, marami ang naniniwala na panahon na para ilipat na siya sa pangkaraniwang piitan at tanggalan na ng special treatment.
 
Bali-balitang “hospital transfer” ang susunod ang hihilingin ng mga abogado ni Napoles. 
 
Demanding ang ale.
 
*****************************
 
Abalang-abala ang ilang mambabatas para daliang maipasa ang panukalang siyang magpapangalan na Corazon C. Aquino International Airport sa dating Clark International Airport.
clark
 
At kahit nabansaggan ng marami na malaking kasipsipan ang diskarte, puspusang kinakarir pa rin ito ng nangungunang tumutulak sa panukala na si Pampanga Rep. Yeng Guiao.
 
Ang mambabatas na basketball coach din ay umaasa na mapapa-“fast break” ang tinutulak niya.
 
Pag natuloy, tayo lang ang bansang may Mr. & Mrs. na airports.
 
*****************************
Pero wag kayo…
Hindi lang ang Pilipinas ang may mga mambabatas na may nakakawindang na panukala.
 
Sa Amerika, pinupukpok ni Sen. Al Melvin ng Arizona ang isang panukala na pinapayagan ang anumang negosyo na hindi asikasuhin o pagsilbihan ang mga customer na bading o lesbian sa kadahilang labag ito sa relihiyon at paniniwala nila.
 
gays
 
So, pag nakalusot ang panukala,  ang pag-trato sa mga bading at lesbian sa Arizona ay hindi na malalayo sa mga tinataboy na mga pulubi o askal.

At balak pa ng senador na tumakbo bilang gobernador ng Arizona.

*****************************

Hindi na natutuwa ang mga lokal at banyagang negosyante sa daytime truck ban ng lungsod ng Maynila. Nakatengga kasi sa pier ang napakaraming container vans. Magre-resulta raw ito sa negatibong epekto sa produksyon at sa kakulangan ng bilihin.

pier

Ang problema – tulad ng ating presidente – matigas din ang ulo ng alkalde ng Maynila na si dating Pangulong Erap Estrada… at hindi basta-bastang bibigay o babaguhin ang posisyon.
 
*****************************
HULING HIRIT.
 
??????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????
 
 

ERNIE: Father bakit may nakasampay na daster, bra at panty sa may kumbento? May asawa ka?

FATHER: Kung aasa ako sa mga donasyon nyo, di ako mabubuhay! Tumatanggap ako ng labada!

 
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: