Advertisements

Facebook – Sampung Taon Na!

ten

Maaaring hindi nating namamalayan, pero ang Facebook ay sampung taon na. Ngayo’y mayroong 1.23 bilyon na users – 62% nito’y araw-araw kung mag-Facebook… at parami nang parami pa.

Ang lalong kataka-taka, dalawang taon nang marami ang nagsasabi na tapos na ang masasayang araw ng social network na ito.

Pero, tuloy ang ligaya.

like

Wala tayong kawala sa pagkabihag ng Facebook. Naging tahanan na ng ating mga “picture-picture” na dati’y nawawala na lang dahil sa kalimot.

Hingahan ng ating mga hinanakit.

At dahilan na gumagalak ang bawat araw natin kasama ang mga “friends” – kahit walang laman ang tiyan o bulsa.

Mabuhay ka, Facebook. Wag na wag mo kaming “unfriend”.
•••••••••••••••••••••••••

No. 2 sa buong mundo. Ipinagmalaki ni Pagcor Chairman Bong Naguiat na  – sa loob lamang ng limang taon – malalampasan na ng Pilipinas sa kita ang mga casino sa Las Vegas at ang bayan natin ang magiging No. 2 gaming destination sa mundo… sumusunod lang sa Macau.

no. 2, baby!

no. 2, baby!

At sa anong halaga?

Mga adik sa sugal na nababaon sa utang?

Na napapabayaan ang pamilya?

At marami, nasasangkot sa kung anu-anong krimen o bisyo?

O nagbabalak magpakamatay?

Maging ang pangakong magandang balita – na ang mga casino ay buhos-kalakal para sa mga Pilipinong entertainer – ay pawang “drawing” lang.

Puro stateside na mang-aawit pa rin ang pang-enganyo ng mga casinong ito.

Sa iyo na ang Number 2 mo, Mr. Chairman. Iyong-iyo na.

•••••••••••••••••••••••••

Sulat ni inay, sa spam tumuloy (kuno). Hangang-hanga ang mundo sa pinakita ng Pilipinong iceskater na si Michael Martinez sa Sochi Winter Olympics. Tuloy ngayon,  naghahagilap ng dahilan ang mga taong may obligasyong suportahan siya nguni’t naging pabaya.

Pati ang Malacanang na sinulatan ng ina ni Michael para sa tulong pinansyal, may dahilan na: napunta daw ang naturing na email sa spam file (o basura) ng presidente.

Napanood na namin yan, Communications Sec. Coloma. Kumita na yan – isip kayo ng bagong palusot.

spam

•••••••••••••••••••••••••

Sobrang suwerte ng kabataan ngayon. Kung may nais malaman, di na kailangang mamasahe at magpunta sa library… o magpabili ng napakamahal na encyclopedia.

Isang pindot lang sa computer at may sagot na sa Google.

google

Hindi lang yan. Kahit anong gustong pag-aralan, may kursong inaalay ang pinakamalaking universidad sa mundo tulad ng Princeton, Stanford, Yale at marami pang iba.

Libre. May certificate pang pruweba.

Ayaw n’yo maniwala?

Tumungo agad sa www. coursera. org

•••••••••••••••••••••••••

Huling Hirit.

malunggay

ANGEL: (nakitang may malunggay sa ngipin ni Ernie) Alam ko ulam niyo kanina!

ERNIE: Ano?

ANGEL: Malunggay!
ERNIE: BWAHAHAHA mali! Kagabi pa kaya yun…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: