Advertisements

P400 Milyon – Pinakawalan parang tubig!

abante

Hula who. Kumita ng P400 milyon ang isang kilalang casino mula lamang sa isang customer. Nakasanayan na ng showbiz celebrity na ito na matalo ng milyun-milyon sa sugal.

Kaya sinimulan nang ibenta ang kaniyang magagarang kotse at mukhang susunod na ang kaniyang mga bahay at lupang puro engrande.

Kung hindi makabawi, malamang siya ang magiging tanyag na ehemplo ng kasamaan ng sugal.

•••••••••••••••

Masyadong defensive? Basta tutungo sa tanggapan ng Natioal Bureau of Investigation (NBI) si Ruby Tuason, ang pinakabagong whistleblower sa pork barrel scandal, agad na pumapalag si Sen. Jinggoy Estrada.

Mabilis niyang hinihirit na nagtatagpi-tagpi si Tuason, ang ibang whistleblowers at ang NBI ng ebidensya para lalong madiin siya sa kaso.

“Niluluto!”, ang laging reklamo niya.

Sagot ng bayan… “prito o inihaw?”.

prito.003

•••••••••••••••

Kawawang Sec. Ping Lacson. Ang maliit na grupo niya ay wala nang pahinga… wala nang pondo… wala pang masyadong poder.

Ngayon, wala pang kawala sa mga epal na kwini-kwestyon ang kaniyang pagkatalaga bilang rehabilitation czar.

Sa Korte Suprema pa man din.

Wag ka sanang mapikon, Sec. Ping.

•••••••••••••••

Mabuti’t nagpasya si Korina Sanchez na magpahinga muna sa kaniyang pang-umagang programa sa radyo.

Tumindi nang husto ang katapat ng programa niya sa kalabang estasyong DZBB.

Nagsamang-puwersa kasi si Mike Enriquez, Arnold Clavio at ang matagal na nawala at matagal na nating na-miss na si Ali Sotto.

Ang mga seryosong nagbabagang isyu ay klaro nilang napapaliwanag sa pamamagitan ng katatawanan at may “jeng-jeng” pa… kinakanta pa nila.

Problema lang, nakaka-adik – lalo na ung “jeng-jeng” portion.

Nasa isang miting ako noong isang araw at nagpaalam para magpunta sa CR. Narinig ko sa transistor ng sikyu si Ali na kinakanta ang await kong “O Lumapit Ka”… pero ang mga letra ng kanta ay ginawa niyang munting istorya ni whistleblower  Ruby Tuason.

Ayan tuloy, nakasimangot  ang mga ka-miting ko. Inabot kasi ng 15 minuto ang pag-CR ko… naaliw.

Hayop ka, Ali! Pero henyo…

ali

Pero, henyo.

••••••••••••••••••••••

Huling Hirit. Naluha kami nang natuklasan P576,629 lamang, kada taon, ang sahod ng isang mambabatas.

Nalungkot pa lalo: nasilip namin sa parking lot ng Kongreso na – sa kapiringgot na kita – nagtiyatiyaga na lang ang ating mga mambabatas sa mga sasakyang tulad  ng Porsche 911, Carrera S, BMW X5, Lexus LX570, BMW X3, Hummer H2, Mercedes-Benz S500, Toyota Sequoia, Cadillac Escalade… ilan lamang sa marami.

Kawawang-kawawa naman.

congressmen.001

•••••••••••••••••••••
Ngayong Valentine’s Day… sana’y mamilipit sa sarap ang pinakamamahal nyo.
sarapp
Advertisements

One Response to “P400 Milyon – Pinakawalan parang tubig!”

  1. Ramona G. Co Says:

    Naughty, naughty👍👈👏

    Sent from my iPad

    >

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: